Hindi agad sumagot si Havoc sa akin. Nanatili lamang siyang seryoso habang nakatitig sa akin, na para bang malalim na pinag-iisipan ang sinabi ko. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "If you can't decide yet, it's fine... Pero pag-isipan mo ang sinabi ko, Havoc." Napangiti ako sa kaniya bago marahan siyang tinalikuran. Tahimik akong naglakad pabalik sa sofa kung saan nakapatong ang mga damit ko. Pagdating ko roon, bigla akong napahinto at sandali akong napaisip. What the fuck are you talking about, Elyse? Gosh. Hindi mo na talaga napigilan ang sarili mong sabihin iyon sa kaniya, no? Napailing ako at napabuntong-hininga. Shut up, Elyse. Part lang ito ng revenge mo sa evil sister mo. Tama! Pinilit kong alisin sa isip ko ang mga sinabi ko kanina pagkatapos, mabilis kong kinuha ang mga damit ko at isa-isang nagsuot. Ilang minuto ang lumipas bago ako tuluyang nakapagbihis. Nang matapos ako, dinampot ko ang bag kong nakapatong sa sofa at agad na hinalungkat ang loob
Last Updated : 2026-08-17 Read more