Chapter 141Nakahinga nang maluwag si Evie, saka lang naalala na katatapos lang niyang mag-send ng text message kay Pancho na malamang ay nabasa na nito."Evie, I'm sorry, ngayon ko lang nabasa ang text mo at nag-alala ako na baka may nangyari sa 'yo kaya tumawag ako agad," nag-aalalang usal ni Pancho sa kabilang linya."Are you okay? Narinig kong nadapa ka raw, malala ba?" tanong pa nito."Hindi naman malala... nabandahan na ang sugat ko at okay na ako," mahinang sagot ng dalaga habang nakatingin sa kaniyang tuhod na nakabalot na ng gauze."Mabuti naman kung ganoon," relief na sabi ni Pancho."Pasensya ka na talaga, masyadong makulit ang dalawang alaga ko. Hindi naman sila ganiyan kapag kasama ako," dagdag pa nito."Pagalitan ko talaga sila pag-uwi ko!" banta pa ng lalaki sa kabilang linya."Okay lang, parang alam naman na nila na nagkamali sila. Nakaupo na sila nang tahimik at hindi gumagawa ng ingay," depensa ni Evie sa mga alaga habang sumusulyap sa mga ito."Kahit na, ako pa rin
Terakhir Diperbarui : 2026-09-22 Baca selengkapnya