Share

Chapter 142

Author: Zellestia
last update publish date: 2026-09-23 18:23:54

Chapter 142

Parang sasabog na ang mga tainga ni Thiago habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

Masyado nang matagal ang usapan nila, at talagang pinapatulog pa ng lalaking iyon si Evie sa bahay nito?!

Asa pa siya!

"Evie, subukan mo lang pumayag at tingnan natin kung ano'ng mangyayari sa 'yo," banta ni Thiago sa kaniyang sariling isip habang nagngangalit ang mga ngipin.

Naramdaman ni Evie ang matinding titig ng lalaki sa kaniyang itaas, na para bang isang kuryente na gumagapos sa kaniyang buong ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 144

    Chapter 144Napangiti si Evie habang nakatitig sa dalawang matalinong alaga na tila nag-aaway gamit ang kanilang mga paws.Gumanda ang kaniyang mood habang pinagmamasdan ang mga ito.Habang nakikita kung gaano kabait at kalambing si Evie sa dalawang alaga ng ibang lalaki, nakaramdam si Thiago ng hindi maipaliwanag na pagsikip at pag-init sa kaniyang dibdib."Bakit sa dalawang alaga ng lalaking 'yon napakalambot mo, pero sa akin hindi ka man lang maging mabait?" inis na tanong ni Thiago sa kaniyang sarili."Hindi ba ako naging mabuti sa 'yo para hindi mo man lang ako tratuhin nang maayos?" dagdag pa ng lalaki sa kaniyang isip habang lalong nagagalit."Aren't you leaving?" malamig na tanong ni Thiago sa kaniya."If you don't leave now, do you intend to stay overnight at another man's house?" marahas nitong dagdag.Sumulyap si Evie sa kaniya at napansin ang matinding galit sa mukha ng lalaki."Oo, palabas na," mahinang sagot ng dalaga."Bye Sachi, bye Seve," kaway ni Evie sa dalawang ala

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 143

    Chapter 143Tinitigan ni Evie ang puting cellphone na nakapatong na naman sa kaniyang palad.Nang marinig ang sinabi ng lalaki, nakaramdam siya ng bahagyang pagkalito sa kaniyang sarili.Hindi niya talaga maintindihan kung anong klaseng tao ito.Minsan ay bastos, mautak, at mahilig mang-akit.Subalit sa maliliit na detalye, palagi nitong naipadarama at natatamaan ang kaniyang puso nang hindi sinasadya."Sachi, Seve, uwi na tayo," tawag ni Evie sa dalawang alaga habang pilit na itinatayo ang kaniyang sarili mula sa sofa.Ang golden retriever at ang matabang pusa na mukhang katatapos lang manuod ng palabas ay dahan-dahang naglakad patungo sa kaniya habang itinagilid ang mga ulo.Parehong walang pakialam at hindi matatakutin sa ibang tao ang aso at pusa, kaya nang makita ng mga ito si Thiago, hindi nila ito itinuring na banta.Nang makalampas ang golden retriever kay Thiago, aksidente nitong nabangga ang binti ng lalaki saka ito tinitigan habang nakalabas ang dila.Bakit pakiramdam niya

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 142

    Chapter 142Parang sasabog na ang mga tainga ni Thiago habang nakikinig sa usapan ng dalawa.Masyado nang matagal ang usapan nila, at talagang pinapatulog pa ng lalaking iyon si Evie sa bahay nito?!Asa pa siya!"Evie, subukan mo lang pumayag at tingnan natin kung ano'ng mangyayari sa 'yo," banta ni Thiago sa kaniyang sariling isip habang nagngangalit ang mga ngipin.Naramdaman ni Evie ang matinding titig ng lalaki sa kaniyang itaas, na para bang isang kuryente na gumagapos sa kaniyang buong katawan."Pancho, is it really convenient for me to stay at your place?" kabadong tanong ni Evie habang kinakagat ang kaniyang labi."It's convenient, as long as you don't mind," sagot agad ni Pancho sa kabilang linya."I... of course I don't mind," mahinang tugon ng dalaga."Then it's settled. You can stay at my place tonight, 'wag ka nang umuwi sa apartment mo," giit ng employer."Pero..." alanganing hirit ni Evie."No buts, ligtas ka ba kapag umuwi ka nang ganiyan?" alalang tanong ni Pancho."H

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 141

    Chapter 141Nakahinga nang maluwag si Evie, saka lang naalala na katatapos lang niyang mag-send ng text message kay Pancho na malamang ay nabasa na nito."Evie, I'm sorry, ngayon ko lang nabasa ang text mo at nag-alala ako na baka may nangyari sa 'yo kaya tumawag ako agad," nag-aalalang usal ni Pancho sa kabilang linya."Are you okay? Narinig kong nadapa ka raw, malala ba?" tanong pa nito."Hindi naman malala... nabandahan na ang sugat ko at okay na ako," mahinang sagot ng dalaga habang nakatingin sa kaniyang tuhod na nakabalot na ng gauze."Mabuti naman kung ganoon," relief na sabi ni Pancho."Pasensya ka na talaga, masyadong makulit ang dalawang alaga ko. Hindi naman sila ganiyan kapag kasama ako," dagdag pa nito."Pagalitan ko talaga sila pag-uwi ko!" banta pa ng lalaki sa kabilang linya."Okay lang, parang alam naman na nila na nagkamali sila. Nakaupo na sila nang tahimik at hindi gumagawa ng ingay," depensa ni Evie sa mga alaga habang sumusulyap sa mga ito."Kahit na, ako pa rin

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 140

    Chapter 140"Kung... ayaw mong maniwala, eh 'di 'wag," kabado at walang magagawang tugon ni Evie.Nagngalit ang mga ngipin ni Thiago at hindi niya napigilang mapatawa sa galit.Napakatigas talaga ng puso ng babaeng ito, napakahirap bang magsalita ng bagay na gusto niyang marinig?Madali lang naman siyang pasayahin.Higit niyang hinawakan nang mahigpit ang baba ng dalaga."Maghanap ka ng paraan para mabayaran ang isang milyon para sa pantalon ko, kundi hindi ka makakaalis dito kasama ang mga alaga mo," banta ni Thiago sa kaniya.Huminga nang malalim si Evie. "Wala akong isang milyon ngayon," mahinang sagot ng dalaga.Walang emosyon ang mukha ni Thiago habang nagsasalita na para bang walang puwang para makipagkasundo."Dahil wala ka namang pambayad, ang katawan mo na lang ang kapalit," malamig nitong utos.Nanlaki ang magagandang mata ni Evie sa kaniyang narinig."Paano... paanong katawan ang pambayad?" gulat na tanong ni Evie sa lalaki.Tinitigan ni Thiago ang malambot at mabangong kat

  • The Arrogant OB-GYN is the Billionaire Who Slept with Me   Chapter 139

    Chapter 139Seryoso pa rin si Thiago habang maingat na nililinis ang mga nasirang balat sa kaniyang kamay.Bahagyang humihingal at yumuyuko si Evie sa sakit habang ginagamot.Mukha itong maiiyak na talaga ngunit pilit lang na nagtitimpi.Hindi napigilan ni Thiago ang tumingala, at aksidenteng nagtama ang kaniyang paningin sa basang mga mata ng dalaga.Napakintab at puno ng luha ang kaniyang tingin.Para itong isang nasaktang kuneho, napakaawa at napakainosente.Nang makita ni Evie na nakatitig sa kaniya ang malalalim na mata ng lalaki, kinagat niya ang kaniyang labi at mabilis na itinagilid ang kaniyang mukha sa hiya.Ayaw niyang makita siya nitong mukhang kawawa at duguan.Nang makita ang namumulang mga mata ng dalaga, biglang kumurot at nasaktan ang puso ni Thiago para sa kaniya.Bahagyang kumunot ang kaniyang noo habang isinusumpa ang sarili dahil sa pagiging mahina sa harap ng babaeng ito.Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa kaniya pa siya nagkakaawa at nasasaktan nang ganito?Pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status