HER POV "Diyos ko, anong pinaggagawa mo hija? maghunos dili ka, kalma ka lang Daisy!," sa unang pagkakataon narinig niyang tinawag siya ng matandang babae ng pangalan ng biglaan itong pumasok sa silid. "Kilala mo ako? Bakit alam mo ang pangalan ko? Sino ba kayo, punyeta!," singhal niya sa matanda. Mabilis na nakakuha ng malinis na puting tuwalya ang matandang babae at tinakpan ang kanyang kahubdan. Hindi na siya pumalag dahil biglang nakadama siya ng lamig at panghihina. "Diyos ko, hija, nilalagnat ka, ang init init mo, halika mahiga ka at gagamutin kita," inalalayan siya ng matandang babae makabalik sa kama. "Humiga ka muna, hija at kukuha lang ako ng gamot at bimpo, kukuha na rin ako ng makapal kapal na damit, Diyos kong bata ka,eh!," sabi pa nito at mabilis na nakalabas ng silid. Tila mas tumindi ang panlalamig niya.Sobrang ginaw na ng kanyang pakiramdam at panaka- nakang nanginginig na siya. Kung ito na ang katapusan niya ay matamis niyang tatanggapin. Mabuti pang m
Last Updated : 2026-07-24 Read more