Still 4 years ago... HER POV "Daisy, ito na ang notebook mo, oh, tapos na, naggawan ko na rin ng iba pang examples para pang review mo, kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang, ah," turan pa ni Lando sa kanya nang nasa cafeteria na silang dalawa ni Cristy at iba pa nilang mga kaibigan nananghalian sa pinakadulong lamesa. "Woowwwww.... kaswerte muna naman Daisy may taga gawa ng homeworks mo, hoy, Lando puwede ako rin, hehehe...," anya ni Jessa, ang matabil niyang kaklase. "Sige na Lando, maraming salamat, makakaalis ka na, kakain pa kasi kami ng mga kaklase ko," simpleng pagtataboy niya sa binata dahil hindi niya talaga masikmura ang kabaduyan nito baka kasi tuksuhin pa lalo siya ng mga sosyal niya ring mga kaklase. "Sige Daisy, mauuna na ako," paalam pa nito at hahakbang na sana patalikod sa kanila ngunit napatigil ito ng magsalita si Cristy. "Hoy, Lando, huwag ka munang umalis, sabayan muna kaming kumain, ako bahala sa iyo, ililibre kita dahil tinulungan mo itong beshy
Last Updated : 2026-07-15 Read more