"Hindi naman magandang tingnan kung dito lang tayo sa parking lot mag-uusap," seryosong wika ni Kian. "Wala tayong privacy dito." Napaisip si Lia. "Sa susunod na lang siguro. Hinihintay na ako ng mga anak ko at ni Mae. Kailangan ko nang umuwi." Ngunit hindi nagpatinag si Kael. "Kung ganoon, sa bahay niyo na lang tayo mag-usap. Gusto ko rin silang makita ulit." Natigilan si Lia. Gusto sana niyang tumanggi, pero sa tindi ng tingin at tono ni Kael, alam niyang wala na siyang ibang magagawa. "Sige," mahina niyang sagot. "Pero huwag kayong magtatagal." Agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Sumunod naman ang magkapatid sa kanilang sariling kotse. Habang nagmamaneho, mabilis niyang tinawagan si Mae. "Mae, nandiyan na ba kayo?" tanong ni Lia habang nakatingin sa salamin kung sumusunod ba sila. "Nandito na kami. Bakit?" sagot ni Mae sa kabilang linya. "Kasabay ko sina Kael at Kian. Gusto daw nilang makipag-usap at makita ulit ang mga bata," paliwanag ni Lia, nanginginig pa r
Last Updated : 2026-07-22 Read more