Limang taon na ang lumipas.Sa Buenavista International Airport.Ang maluwang at maliwanag na pasilyo ay puno ng tao, ngunit halos lahat ng tingin ay nakatuon sa babaeng nagtutulak ng kanyang mga bagahe.Nakasuot siya ng white off shoulder blouse at blue denim midi skirt. Simpleng damit lang iyon, ngunit sa ganda niya ay imposibleng hindi mapansin. Bahagyang nakalantad ang kanyang mga balikat, akmang-akma ang damit sa kanyang baywang, at ang wavy na mahaba at colored dark brown niyang buhok ay nakalugay. Maputi at makinis ang kanyang balat, kaakit-akit ang dating at tindig, at may kakaibang alindog na humahatak ng atensyon.Ang babae ay walang iba kundi si Lianna Marie Montenegro, o Lia—ang babaeng muntik nang mamatay limang taon na ang nakalilipas at napilitang magtago sa ibang bansa.Five years ago. Pinalayas siya ng pamilyang Montenegro. Dahil sa matinding lungkot at walang mapuntahan, naglakad siya patungo sa simbahan. Ngunit bago pa siya makarating doon, hinarang siya ng isang hi
Last Updated : 2026-07-15 Read more