Mahal na mahal niya raw? Puta! Napakaplastic mo talaga, Caleb! Alam kong sinasabi mo lang yan sa harap ni Joana para ipagmukha sa lahat na seryoso ka, na nagpakatotoo ka, at para lang utuin ang kapatid ko. Pero tangina! Bakit ganito? Bakit habang nakatitig ako sa kumikislap na diamond ring na yun, parang may sumasaksak sa dibdib ko? Kung alam mo lang, Joana, he’s just fvcking using you para makalapit sa akin! Pero bakit ba kasi sa lahat ng lalaki sa mundo, ang demonyong 'to pa ang jinowa mo?"My turn, birthday girl," nakangiti kong sabi habang inilalabas ang isang maliit na gift box mula sa pouch. Inabot ko yun kay Joana saka napangiti. Sa loob ng box ay isang customized silver bracelet. Dahan-dahan niya itong binuksan, at bago pa siya makapagsalita, binalot ko na siya ng titig."Happy birthday," panimula ko, sadyang pinalalambot ang boses. "You know how much I love you, right? Gusto ko lang sabihin na stay strong sa lovelife niyo ni Caleb."Lumingon ako nang bahagya kay Caleb.
Huling Na-update : 2026-08-05 Magbasa pa