Tila ba nawalan ng hangin sa loob ng malawak na opisina. Nanigas si Isabelle sa kaniyang kinatatayuan, habang ang hawak niyang folder ay kamang-mang nalaglag mula sa kaniyang mga kamay. Ang mga papel ng kaniyang resume ay nagkalat sa makintab na sahig, ngunit wala doon ang kaniyang atensyon.Nakatitig lang siya sa lalaking nasa harap niya.Si Ethan Velez. Ang lalaking nagnakaw ng kaniyang mga paboritong laruan noong bata pa sila, ang laging nang-aasar sa kaniya tuwing umiiyak siya, at ang taong naging dahilan kung bakit sumumpa siya noon na hinding-hindi na muling makikipag-usap sa kahit kanino na may apelyidong Velez.Subalit ngayon, ang dating payat at nakakainis na batang lalaki ay isang ganap nang makapangyarihang lalaki. Mas lumawak ang mga balikat nito, mas naging matalas ang mga tingin, at nababalutan ng awra ng isang bilyonaryo.Dahan-dahang sumandal si Ethan sa kaniyang marangyang leather chair. Hindi man lang ito nagulat. Sa halip, isang mapaglaro at mapang-aping ngiti ang d
آخر تحديث : 2026-07-20 اقرأ المزيد