LOGIN"My patience is paid by money. So if the pay is right, I keep my patience." Matapos malugi ang negosyo ng kaniyang pamilya dahil sa pandemya, desperado na si Isabelle "Isa" Diaz na makahanap ng trabaho. Kaya naman nang marinig niyang nag-walkout ang sekretarya ng kilalang "Ice King ng Ortigas," hindi na siya nag-atubili. May sapat siyang degree at karanasan—sisiw sa kaniya ang gawaing opisina. Ngunit ang hindi niya alam, ang bagong kumpanyang kaniyang pinasukan ay pagmamay-ari pala ng kaniyang matagal nang kinamumuhian. Si Ethan Velez—ang kaniyang kababata, ang kaniyang mortal na kaaway, at ngayon... ang kaniyang magiging arogante at napakasungit na CEO. Para kay Ethan, isang transaction lang ang lahat. Kailangan niyang magpakasal bago ang kaniyang ika-28 na kaarawan upang makuha ang kaniyang buong mana sa Velez Group. At dahil gipit ang pamilya ni Isa, gagamitin niya ang isang lumang kasunduan ng kanilang mga magulang upang pilitin itong magpakasal sa kaniya kapalit ng kaligtasan ng mga Diaz. "Huwag kang umasa na magiging totoong mag-asawa tayo, Isabelle. At higit sa lahat... huwag na huwag kang aasa na mamahalin kita." Isang kasunduan sa ibabaw ng lamesa. Isang kasal na walang pag-ibig. Kaya bang tiisin ni Isa ang ugali ng kaniyang 'Childhood Enemy' kung ang kapalit nito ay ang kaligtasan ng kaniyang pamilya? O baka naman sa likod ng kontrata at bangayan, may luma palang damdamin na muling magigising?
View MoreNakatitig lang sa kawalan si Isabelle “Isa” Diaz habang mabibigat ang mga hakbang na naglalakad sa ilalim ng nakatirik at nakapapasong init ng araw. Ramdam na ramdam na niya ang hapdi sa kaniyang mga paa dahil sa suot na black heels, ngunit wala siyang karapatang mapagod. Nagbabakasakali pa rin siyang may mahanap na kumpanyang tatanggap sa kaniya at maapplyan ng trabaho sa gitna ng nagtataasang mga gusali.
Napakasakit isipin na isang taon na ang nakalilipas, hindi niya kailangang magmakaawa para sa isang posisyon. Ang pamilya Diaz ay may sariling retail business noon na maayos na tumatakbo. Bilang nagtapos ng BS Business Administration major in Operations Management, si Isa ang mismong humahawak sa mga papeles, schedule, at pamamahala bilang sekretarya ng kaniyang ama. Subalit sa isang idlap, tuluyang nalugi at gumuho ang negosyo ng kaniyang pamilya dahil sa matinding epekto ng pandemya. Ngayon, baon sila sa utang at si Isa na lamang ang natitirang pag-asa ng kaniyang mga magulang upang maiahon sila sa hirap.
Hawak ang isang plastik na folder na naglalaman ng kaniyang resume, clearance, at iba pang mga dokumento, napagpasyahan muna niyang magpahinga sandali sa tabi ng isang naglalakihang glass building sa tapat ng Emerald Avenue sa Ortigas. Napaupo siya sa isang pampublikong bench habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo at mabilis na binuksan ang baon niyang tubigan para uminom.
Habang nagpapahinga, may narinig siyang dalawang babaeng empleyado na kalalabas lang mula sa lobby ng marangyang gusali upang mag-break.
"Nabalitaan mo ba? Ilang araw na palang bakante ang pwesto ng Executive Secretary ni Boss Ethan," saad ng unang babae habang nag-aayos ng kaniyang ID lanyard. "Nag-walkout na naman daw kagabi 'yung pumalit at umiiyak na umalis ng opisina! Katulad lang din siya ng mga nauna dahil sa sobrang sungit at pagiging perfectionist ng lalakeng 'yon!"
"Oo nga, eh!" sagot naman ng pangalawang babae, habang umiiling. "Wala na sigurong normal na taong makakatagal sa ugali ng isang Ethan Velez. Sabagay, malaki nga ang pasahod, dollars pa yata ang basehan, pero siguradong masisira naman ang ulo mo sa sobrang lupit ng amo mo. Araw-araw kang masisigawan."
Nang marinig iyon ni Isabelle, tila biglang huminto ang kaniyang mundo. Nabuhayan siya ng loob. Hindi niya pinansin ang babala tungkol sa masungit na boss; ang tumatak lang sa isip niya ay ang mga salitang malaki ang pasahod. Kailangan na kailangan niya ng pera ngayon para sa pamilya niya. At saktong-sakto, may matagal na karanasan siya bilang sekretarya ng kaniyang ama. Sisiw sa kaniya ang gawaing opisina at sanay siya sa pressure.
Nang walang pag-aalinlangan, inayos ni Isa ang kaniyang corporate attire, tumayo nang diretso, at lakas-loob na pumasok sa loob ng marangyang lobby ng gusali. Ang pangalan ng kumpanya ay nakasulat sa isang malaking gold na disenyo sa pader: Velez Group of Companies. Bahagyang kinabahan si Isa dahil pamilyar sa kaniya ang apelyidong Velez, ngunit isinantabi niya ito. Humakbang siya patungo sa reception desk.
"Miss, magandang araw po. Nabalitaan ko pong nag-walkout ang sekretarya ng boss niyo? Baka po naghahanap kayo ng bago... pwede po ba akong mag-apply? Handa po ako para sa isang interview ngayon din kung maaari," diretsahang saad ni Isabelle habang may magandang ngiti at maingat na inaabot ang kaniyang resume.
Nagulat ang receptionist sa kaniyang prangkang diskarte ngunit ngumiti rin ito kalaunan. "Actually, ma'am, urgent nga po ang utos ng HR. Maaari po kayong dumiretso sa Hiring Department sa 3rd Floor, Room 340. Mag-iwan na lang po muna kayo ng isang valid ID rito para sa visitor's pass."
“Yes!” bulong ni Isa sa kaniyang sarili habang mabilis na naglalakad patungong elevator. Malaki ang tiwala niya sa kaniyang kakayahan. Taglay niya ang karangalan bilang isang academic achiever at alam niyang kuwalipikado siya.
Knock! Knock! Knock!
Kumatok si Isabelle sa p***o ng HR Department kahit bahagya naman itong nakabukas.
"Hello, good morning po! Applicant po for the Executive Secretary position," masiglang bati niya sa isang seryosong babaeng nakaupo sa unang lamesa na may plakang HR Manager.
"Please, come in and take a seat," malamig ngunit propesyonal na sagot ng manager.
Agad na umupo si Isabelle at maayos na inabot ang kaniyang resume. Habang sinusuri ng HR manager ang mga dokumento, mapapansin ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito. Naitaas nito ang kaniyang salamin at napaangat ng tingin kay Isa.
"Oh... Impressive background, Miss Diaz. Maganda ang natapos mo at may aktwal na karanasan ka sa pamamahala ng isang kumpanya," saad ng manager bago sumandal sa kaniyang upuan. "Pero alam mo ba na dito sa Velez Group, ang mga kasanayan o skills mo ay pangalawa lang sa pinakamahalagang katangian para sa posisyong ito?"
Napakunot ang noo ni Isa sa pagtataka. "Po? Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
Bahagyang napatawa nang mahina ang HR manager, isang tawang puno ng pang-unawa at tila sanay na sanay na sa ganoong reaksyon mula sa mga aplikante. Pero hindi na nagtaka si Isa dahil sariwa pa sa alaala niya ang narinig niyang usapan sa labas ng gusali kanina tungkol sa nakatatakot nilang CEO.
"First and most important question, Isabelle. Gaano kahaba ang pasensya mo?" seryosong tanong ng babae habang nakatitig sa mga mata ni Isa. "Dahil ang huling tatlong secretary na tinanggap namin dito ay hindi umabot ng isang buwan. Ang huli nga ay kagabi lang tuluyang sumuko."
Tumingin nang diretso si Isa, pinanindigan ang kaniyang tapang, at sumagot nang may buong kumpiyansa. "My patience is paid by money, ma'am. So, if the pay is right, I will always keep my patience."
Natigilan ang HR manager sa narinig, tila nagulat sa kakaibang sagot ng dalaga, bago ito dahan-dahang ngumiti at pumirma sa kaniyang endorsement sheet. "I like your attitude, Miss Diaz. Palaban ka at mukhang hindi ka madaling maiyak. Dahil kailangang-kailangan na ng sekretarya ni Mr. Velez ngayon, pumasa ka sa akin. Ngunit tandaan mo, ang huling pagpapasya at ang mismong interview ay gagawin ng CEO natin sa itaas."
Inabot ng manager ang folder kay Isa at itinuro ang pribadong elevator sa gilid. "Umakyat ka sa top floor. Doon ang opisina niya. Good luck, Isabelle. Sana ikaw na nga ang makatagal."
Habang nasa loob ng elevator patungo sa pinakamataas na palapag, mabilis ang tibok ng puso ni Isa. Ewan ba niya, ngunit habang papalapit siya sa itaas, mas lumalalim ang kaba sa kaniyang dibdib at tila may kung anong alaala ang gustong sumariwa sa kaniyang isip tuwing naririnig ang pangalang Ethan Velez. Bakit parang pamilyar na pamilyar ang pangalang iyon sa nakaraan ko?
Nang bumukas ang p***o ng elevator sa top floor, bumadya ang karangyaan ng buong palapag—makintab na sahig, mamahaling mga painting, at glass walls na tanaw ang buong siyudad ng Ortigas. Naglakad si Isa patungo sa dulo kung saan naroon ang naglalakihang double door ng CEO's Office. Kumatok siya nang tatlong beses at dahan-dahang binuksan ang p***o.
"Good morning, Sir. I am the new applicant for—"
Naputol ang sasabihin ni Isabelle nang mag-angat ng tingin ang lalaking nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Isa at nanigas ang kaniyang buong katawan.
Ang matatalas at mapanuring mga mata, ang aroganteng tindig, ang perpektong panga, at ang pamilyar na pamilyar na mukhang matagal na niyang kinamumuhian at gustong kalimutan.
Walang alinlangan. Ang nasa harap niya ay walang iba kundi si Ethan Velez—ang kaniyang kababata, ang kaniyang mortal na kaaway, at ngayon... ang magiging bago niyang amo.
Binuksan ni Isabelle and brown envelope na naglalaman ng bagong kontrata binasa nya ito isa isa at ng biglang“Wait! WHAT?!”“Ano ‘to Ethan?!” Gulat at may halong galit na tanong ni Isabelle“Why do I need to have a child with you within a year? Akala ko ba kasal lang?”“I said, read it first.” Saad ni EthanPinagpatuloy ni Isabelle ang pagbabasa. Simple lang ang kontrata walang ibang nakasulat, direct to the point ito.CONFIDENTIAL MARRIAGE AGREEMENTBETWEEN: ETHAN VELEZ & ISABELLE DIAZThis private agreement sets the terms and conditions for the marriage between Ethan Velez and Isabelle Diaz:1. SHARES & PAYMENTS (TOTAL: 30%)First 15% Shares: Transferred to the Diaz family immediately after the wedding.Final 15% Shares: Transferred to the Diaz family upon the birth of a child within one (1) year of marriage.2. CHILD RIGHTS & CUSTODYLegal Heir & Inheritance: The child automatically becomes a legitimate heir to both the Velez Group of Companies and the Diaz Family Estate.Financi
“Anak, I have something to tell you.” Sambit ng ama ni IsaKinakabahan na hindi maintindihan ni Isa ang nararamdaman. Gusto nya muna sana magpahinga, baka hindi niya kayanin ang mga susunod na mga mangyayari. Pero, gusto na din nya malaman ang katotohanan.“What is it, Dad?” Umiiyak na tanong ni IsabelleDahan dahan muna syang inalalayan ng ama papunta sa couch upang maupo at doon mag usap"Anak, the truth is... Your Lolo had a deal with Ethan’s grandfather for you and Ethan to get married before Ethan’s 28th birthday." Huminga ng malalim ang ama ni Isa habang sinasabi ito sa anak “I really didn't know that it was a sealed agreement with an attorney's signature. Kanina lang nakipag-usap sa ‘kin si Ethan. He made it clear na kapag natuloy ang kasal, tsaka pa lang mai-release sa atin ang 30% shares of their company.” Hindi yon simpleng offer lang ni Ethan, Isa. Mandatory yon na ibigay sa pamilya natin base sa kontrata. In the first place, sa Lolo mo talaga ang 30% shares na yon, sya a
I’m happy that you’re my soon to be daughter in lawTila naiwang echo sa tenga ni Isa ang sinabi ng mommy ni EthanBigla naman may humawak sa balikat nya“Are you alright?” Tanong ni Ethan“Uhmmm Ethan, sinabi mo na ba sakin lahat kanina? May hindi paba ako alam na mangyayari ngayong gabi?” Tanong ni Isabelle“Wala, that’s all.” Siguradong sagot ni Ethan“Let’s go. Kailangan ka nila makilala.” Paghabol ni EthanIsa isang pinakilala ni Ethan si Isabelle sa kanilang mga kamag anak. Naging maayos naman ang lahat at nag simula na ang kainan.Kasama nila Isabelle sa table ang Mommy at Daddy ni Ethan ng magsalita ang daddy ni Ethan“Isabelle, nabalitaan ko ang nangyari sa business nyo at sa Mommy mo. I am so sorry iha at hinid manlang kami nakatulong. Your dad cut ties with our family and we don't have any idea what happened. I will call your father tomorrow and we will set the date for your wedding with my son.” Sambit ng ama ni EthanNagulat naman si Isabelle hindi na nya alam anong nangy
Isinantabi na muna ni Isa ang pag iisip tungkol sa reaksyon ng kanyang ama. Kailangan na kasi niya mag ayos at may trabaho pa sya ngayong gabi.Agad naman naligo at nag ayos na si Isa. Binuksan nya ang laman ng paper bag na mula kay Ethan. “Wow!! Ang ganda naman nito.” Reaksyon ni IsaNamangha sya dahil sa ganda ng simpleng A-Line Dress na binigay sakanya ni Ethan at may kasama pa itong 3 Inches mid heels Kahit naman sanay sya mag suot noon ng mga ganitong dress ay di pa rin mapag kakaila na na-miss nya ang ganitong pormahan. Simula kasi na maghirap ang negosyo nila hindi na rin nya nagagawa ang mga style at pananamit na gusto niya. Humarap muna sya sa salamin at nag final look. Kinakabahan talaga sya sa mga mangyayari hindi niya alam kung bakit. 7:20 PM na, kailangan na nya umalis. Mag bobook nalang sana sya ng biglangRingggggg…..Si Ethan..“Hello Mr. Ve-”“I’m here, in front of your gate.” Pagputol ni Ethan“What? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Isa“Ano pa ba? Edi sinusund












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.