Liza's POVKinabukasan, maaga akong nagising.Bago pa ako kumatok sa silid ni Emilio, naisipan kong bumaba muna sa kusina.Siguro naman ay hindi siya magagalit.Pagpasok ko roon, napangiti ako.Napakalawak ng kusina niya.Kompleto ang mga gamit, napakalinis, at halatang mahilig siyang magluto kahit bihira niya sigurong gawin.Binuksan ko ang refrigerator.Punong-puno iyon ng sariwang karne, gulay, prutas, at iba't ibang sangkap.Naalala ko ang sinabi niya kagabi."Ang gusto ko talaga sa almusal, fried rice."Napangiti ako.Hindi niya alam... expert ang best friend niya sa kusina.Kaagad akong nagsimulang magluto.Nagluto ako ng garlic fried rice, homemade tapa, tocino, at pritong daing na galunggong.Gumawa rin ako ng malalambot na pancakes at nagtimpla ng mainit na black coffee.Hindi nagtagal ay kumalat ang mabangong amoy sa buong bahay.Habang inaayos ko ang pagkain sa mesa, bigla akong may naramdamang dalawang brasong yumakap sa aking baywang.Nanigas ako.Hindi ko na kailangang l
Última actualización : 2026-07-31 Leer más