Third POVNaging normal na muli ang pamumuhay nina Nick at Liza. Pinagsisilbihan nila ang isa't isa at unti-unti na ring nasasanay si Liza sa bagong buhay na kasama ang dating asawa.Samantala, nakalayo na ng bansa si Kalix. Gayunpaman, palagi pa rin silang nagkakausap, lalo na tungkol sa kanilang mga anak. Kahit wala siya sa tabi ni Liza, nananatili pa rin ang komunikasyon nila bilang mag-asawa na unti-unting tinatanggap ang bagong sitwasyon.Isang araw, abala si Liza sa pag-aayos ng kaniyang buhok nang lumapit sa kaniya si Nick habang may hawak na dalawang magkakaibang necktie.“Honey, ano ang magandang tie para sa akin?” tanong nito habang itinataas ang dalawang necktie.“Kahit ano naman, bagay sa'yo,” sagot ni Liza habang nakangiting tumingin sa kaniya.“Saan ba talaga tayo pupunta?” curious niyang tanong. Napansin niyang pareho silang pormal ang suot.“Surprise, Honey,” sagot ni Nick na may nakakalokong ngiti.Napailing na lamang si Liza bago ipinagpatuloy ang pag-aayos. Nang ma
Última actualización : 2026-08-12 Leer más