Third POVDahil sa inis na nararamdaman, dumiretso muna si Liza sa coffee shop ng kaibigan niyang si Winona para magpalipas muna ng ilang oras bago sila magkita ng asawa.Ayaw niyang mag alala ito."Anong magandang hangin ang nagdala sa'yo rito?" nakangiting bati ni Winona sabay bumeso rito."Wala naman. Na-miss ko lang kayong dalawa ni buntis. Papunta na raw siya."Napangiti si Winona."Talaga? Sandali lang."Agad nitong inutusan ang barista na ihanda ang paborito nilang drinks at cakes.Hindi nagtagal ay dumating na rin si Sarah."Kamusta, mga sissy ko!" masigla nitong bati bago bumeso sa kanilang dalawa."Hoy, dahan-dahan lang. Malapit ka nang manganak," natatawang sabi ni Winona dahil sobra itong hyper ng makita sila."Konting lakad na lang, lalabas na 'to," biro ni Sarah habang hinihimas ang tiyan.Hinimas din nilang dalawa ng kaibigan niya ang tiyan ng kaibigan." May problema ka ba at bigla kang napatawag samin!" Sabay irap ni buntis kay Liza." Gaga ka talaga!" Sabi ni Winona
Última actualización : 2026-08-06 Leer más