ZEANA'S POVAlam ko namang may galit sa akin si Leandro, pero grabe naman siya kung makasigaw sa akin kanina pa.“Baliw ka ba? Kanina pa kita tinuturuan, mali pa rin,” ani nito. Ibinalibag ko sa kanya ang sandok na hawak ko.“Edi ikaw na dito!” sigaw ko. “As far as I remember, ikaw ang nagsabing turuan kitang magluto. Tapos ngayon, magrereklamo ka?” Tumaas ang kilay ko.“Eh, grabe ka naman kasi! Hindi naman ganyan.”“Eh, shunga ka kasi turuan.”“Bad teacher ka lang talaga!”“Edi bahala ka sa buhay mo!”Sasagot pa sana ako, pero pareho kaming nagulat nang malaglag ang takip ng kaldero sa sahig. Matinis ang tunog no'n at masakit sa tenga.Nang sabay naming lingunin, nakita naming umaapaw na ang sabaw sa niluluto naming pochero. Dali-dali namin itong nilapitan. Pinulot ko ang takip at ibinalik, habang si Leandro naman ay agad na nagpahina ng apoy.“’Tingnan mo na? ’Yan ang nangyayari kapag pinapabayaan mo ang ginagawa mo. If you are cooking, you need not just the skills but also patience
Huling Na-update : 2026-08-25 Magbasa pa