"So, how's your marriage? I mean Leandro never said something about that," Pagsasalita ni Claire. Nandito kami ngayon sa restaurant na sya ang pumili. Inis na inis na talaga ako sa kanya dahil pala desisyon sya. Favorite spot nila raw ito ni Leandro tuwing kakain. Mukha ngang close sila."We're doing ok. Siguro, hindi niya nababanggit dahil bagong kasal lang kami. Close friends lang kasi namin ang invited," sagot ko naman at sumubo ng steak habang nakangisi sa harapan nya. "Oh really? Nice. Pero sana nalaman ko para nakapag-prepare ako ng gift," sambit nya. Inayos ko ang upo ko."Naku, huwag ka ng magabala pa. Sayang naman kasi ang pera, baka itapon ko lang. I mean...baka hindi lang namin magamit," ani ko pa. Tumaas lalo ang kilay nito at humigpit ang hawak nya sa tinidor. Nilingon ko si Leandro pero tahimik lang ito at parang walang pake-alam sa nag-iinit naming sagutan ni Claire. Nakaka-inis sya hindi man lang sya nagpapanggap na sweet sa harapan ng babaeng 'to."Anyway, Leandro, ke
Last Updated : 2026-08-05 Read more