“HI, Mom . . .” mahinang wika ni Autumn nang unti-unting bumukas ang mga mata ng kaniyang ina. Ilang araw na rin itong unconscious, kaya’t nakahinga siya nang maluwag nang magising ito.Marahang iniikot nito ang paningin sa kinaroroonan, pagkuwa’y dumako ang mga mata nito sa kaniya. Lumunok muna ito bago nagsalita, “Where are we, anak?” Mahinang-mahina lang iyon. Halatang hindi pa ito masyadong nakababawi ng lakas.Ngumiti siya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. “We’re at the hospital, Mom. Dinala ka namin dito noong nakaraang araw pa. I am so thankful that you’re awake now,” aniya. Pilit niyang itinatago ang panginginig ng tinig.Bahagya itong tumango kasabay ng muling pagpikit.Kinabahan siya. “Can you feel anything? May masakit ba sa inyo? Tell me . . .” magkakasunod niyang tanong.Umiling ito. Huminga rin nang malalim. Napangiwi pa ito at sandaling dinama ang tagiliran.Sinundan niya ng tingin iyon. Ang iniinda nito ay isa lamang sa dulot ng pambubugbog dito. Her mother
Huling Na-update : 2026-08-06 Magbasa pa