LOGINILANG minuto lang ang ipinaghintay ni Autumn nang bumukas muli ang pintuan. Ang lahat ng inis na nadarama niya ay biglang naglaho nang makita kung sino ang naroon. Laglag ang pangang hindi man lang siya kumukurap habang titig na titig sa asawa— na dahan-dahang humahakbang patungo sa kinaroroonan niya.Her husband was looking dangerously handsome on his outfit. Kahit na nagmukha talaga itong kidnapper: may bonnet, naka-jeans na jacket na pinaiilaliman ng itim na sando, jeans din ang pantalon, balat ang sapatos, may malaking kwintas sa leeg na may pendant na bungo, at may bandanang nakatali sa may braso ay hindi naman nawala ang kaguwapuhan nito. Hindi ito mukhang nakatatakot. Mas tamang sabihin na makalaglag panty ang hitsura nito. Idagdag pa ang pagnguya nito ng chewing gum.Ngayon, nauunawaan na talaga niya kung ano ang nangyayari. Enrico orchestrated everything. He was into role-playing again. At hindi nga naman nito iyon ipaaalam sa kaniya dahil ala
NAPABUNTONGHININGA si Enrico. “Let’s eat muna,” aniya. Hinila niya ito paupo. Nagpaubaya naman ito.He put the blanket on her. Ipinagsandok niya ito ng pagkain bago iyon iniabot sa asawa. Tahimik lang nito iyong kinuha at nagsimulang kumain. Ganoon din naman ang ginawa niya.Nang matapos silang kumain ay tumingin ito sa kawalan. “Why are we really here, Enrico? Puwede naman tayong kumain sa loob,” anito.Huminga muna siya nang malalim bago ito hinarap. “I want to tell you something.”“And what is it?” mahinang tanong nito. Halata ang lungkot sa tinig.“I am a fool,” umpisa niya. Napalingon ito sa kaniya sa nagtatanong na mga mata.Muli, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “I’m sorry if I hurt you. I’m sorry if I didn’t know what you truly feel for me.” Hinawakan niya ang nanlalamig nitong pisngi. “I love y
SA halip na sundan si Autumn. Umikot lang si Enrico at muling umalis. Nagpupuyos ang kalooban niya at gusto niyang mapawi iyon. Pero sa halip na sa isang high-end bar pumunta, he found himself home. Nasa Lagdameo Mansion siya.Pagbaba niya ng sasakyan, tumuloy kaagad siya sa loob. Sa kusina siya tumuloy dahil alam niyang naroon ang mommy niya kapag ganoong oras.Hindi naman siya nagkamali. He found her alone, cooking. Dahan-dahan siyang lumapit dito. At mula sa likuran nito ay yumakap siya.Nagulat ito. Nabitawan ang hawak na sandok.“Enrico!” bulalas nito nang makilala siya. Malakas nitong tinapik ang kaniyang kamay na nakapulupot dito.Kahit alam niyang nainis niya ito sa mga sandaling iyon, hindi niya ito pinakawalan. He just leaned on her shoulder quietly. Manaka-naka’y humihinga siya nang malalim.“Enrico, kung may sasabihin ka, magsabi ka na. Huwag mo akong dinadaan sa pagi-ganiyan mo,” sh
PALIHIM na sinusulyapan ni Autumn si Enrico habang kumakain sila. Hindi ito umiimik, parang may malalim itong iniisip na manaka-naka’y sinasabayan pa ng pagbuntonghininga.Hindi naman niya ito matanong. Ayaw naman niyang pangunahan ito, baka mas masaktan lang siya sa magiging sagot nito kung saka-sakali.Maya-maya pa, tumayo na ito. Hindi lumilingong tinungo nito ang washroom. Alam niyang mag-t-toothbrush muna ulit ito bago pumasok sa opisina.“Anak, may problema ba kayo ni Enrico?” basag ng kaniyang ina sa katahimikan. Nakalimutan niyang kasama nga pala nila ito roon.Isang pekeng ngiti ang iplinaster niya sa bibig bago ito lingunin. “Wala naman po.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Sobra naman yatang tahimik niya ngayon,” komento nito. Nakatingin ito sa pagkaing nasa plato.“Baka ho may mga trabaho sa opisina na hindi pa tapos. Baka ho iyon ang iniisip,” sagot niya.
“ARE you done?” tanong ni Enrico nang silipin siya sa walk-in closet nila. Ngayon ang kaarawan ng byenan niyang lalaki, at naghahanda na siya ng sarili.Tinitigan niya ang repleksyon nito sa salamin, pagkuwa’y walang kabuhay-buhay na tumango.“Are you sure you’re okay?” Nag-aalalang lumapit ito sa kaniya. Pinisil nito ang kaniyang magkabilang balikat. “Ilang araw ka ng halos hindi ako kibuin. May problema ba? May masakit ba sa iyo?” sunod-sunod nitong tanong.Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na aminin dito ang totoong nararamdaman. Ayaw niyang ipamakahiya ang sarili. Kung mahal siya nito, sasabihin naman siguro nito iyon sa kaniya.Ang totoo, nasasaktan pa rin siya sa kaalamang nagkikita ito at si Miss Fuentes. Ang nasaksihan niya sa restaurant noong kasama ang byenang babae ang halos dumurog sa puso niya. Binura lahat niyon ang pag-asang mayroon siya, at gusto na niyang umiyak. Pero
“GOOD morning, Mom,” bati niya sa ina nang maabutan niya ito sa sala habang naghihikab pa. Humalik siya sa pisngi nito.“Good morning, anak. Kakain ka na ba?”Tumango siya. “Yes, Mom. Nagugutom na ako,” nakangiting tugon niya.Napailing ito. “Paano tanghali ka ng magising. Nine na. Ako na nga ang naghanda ng pagkain ng asawa mo. Ipagigising sana kita, kaso sabi niya huwag na raw. Hayaan ko lang daw na matulog ka.”“Tinatamad kasi akong bumangon kanina.” Tumuloy siya sa dining kasunod ang ina. Naupo siya sa isang upuan doon.“Ganoon ba . . .” Pinagmasdan siya nitong mabuti. Nakaramdam naman siya ng pagkailang.“Mom . . . don’t stare at me like that.” Nakangiting nilingon niya si Berna; isa sa mga kasama nila roon. Dala na nito ang pinggan para sa kaniya. “Thanks,” aniya bago sumandok ng pagkain. Nakatingin pa rin sa kaniya an







