ANMELDENBlurb: How can love be so innocent and pure? When Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-- Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's never been in a relationship? When she's still innocent, especially in bed? Kaya ba niyang panindigan ang sariling desisyon? Kaya ba niyang panindigan na huwag mahulog sa lalaki, kung dampi pa lang ng hininga nito sa balat niya ay nag-r-react na ang buo niyang pagkatao?
Mehr anzeigen“WHAT is this, huh?” Salubong ang mga kilay ni Miss Arah Fuentes habang hawak ang ibinigay niyang mga dokumento na ipinaayos nito.
“Sabi n’yo po kasi i-sort ko lang,” pabulong na tugon ni Autumn.
“Sort? Is this what you called sorting, huh?! Ganito ba ang sorting? Tingnan mo nga?” malakas nitong sigaw. Pinuno ng tinig nito ang buong marketing department na kinaroroonan nila. “Tingnan mo!” Idinukdok nito ang mga papel sa lamesa nito.
Napatingin siya roon. Binuklat niya iyon isa-isa. “Tama naman po.”
Napahilamos sa mukha ang kaniyang boss. Si Miss Arah Fuentes ang head ng marketing department ng kompanyang pinapasukan niya— ang Lagdameo Cement and Steel. Isa ito sa mga kompanyang nasa ilalim ng Lagdameo Group of Companies— na noong simula ay isa lamang architectural and engineering firm.
Napalago pang lalo ni Mr. Leandro Lagdameo ang kompanya nito, kasama na rin ang kompanyang minana ng asawa nito sa yumaong ama— ang Quijano Builders. Katulong nito sa pagpapatakbo ng negosyo ang tatlong anak na lalaki, pati na ang asawa nito. At nagtatrabaho siya roon bilang isang office clerk, iyon ang kauna-unahan niyang trabaho pagka-graduate niya sa kursong Hotel and Restaurant Management. May kalayuan sa nais niya, pero nananatili siya roon dahil sa maayos na benefits.
“This is all wrong, stupid! Hindi ka ba marunong tumingin? Hindi mo rin ba nakikitang kulang ang mga iyan? Nasaan na ang iba pa?” Isang linya na ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya.
Mahigpit siyang napakapit sa splits ng suot niyang mahabang palda. Hindi maganda na patulan ang babae dahil baka mawalan pa siya ng trabaho.
Huminga siya nang malalim. Hindi inaalis ang mga matang tinitigan niya ito. “Iyan lang po ang iniabot ninyo sa akin kanina. Wala na pong iba,” sagot niya.
“Wala ng iba?” Lumakad ito sa may lamesa niya na nasa hindi kalayuan. May kinuha ito roong isa pang folder saka bumalik sa harap niya. “Ano’ng tawag mo rito, ha?” Iniitsa nito ang folder sa harap niya. Tumama iyon sa kaniyang dibdib.
Napangiwi siya.
“Bakit hindi mo tingnan?” sarkastiko pang wika nito.
Hiyang-hiyang pinulot niya ang nagkalat na papeles sa sahig. Alam niyang kanina pa siya pinagtitinginan ng mga katrabaho. Gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan.
Inayos niya ang makapal na salamin bago tumayo. Pinasadahan niya ng tingin ang mga papeles na nasa palad. Kasama nga iyon ng ginagawa niya.
“Pero, wala pa naman po ito sa table ko kanina,” katuwiran pa niya. Kahit papaano, gusto pa rin niyang ibangon ang sarili, dahil sa tuwing masama ang mood ng kaniyang boss, siya ang napagdidiskitan nito.
“At talagang sumasagot ka pa, ha? Ang sabihin mo palpak ka talagang magtrabaho!” Dinuro pa siya nito.
Hindi siya nakakibo. Sigurado siya, wala roon ang mga papel na iyon kanina. Wala naman siyang rason para magsinungaling dito dahil alam na niya ang mangyayari.
“Ano pang itinatanga-tanga mo riyan? Kilos na at kailangan ko na iyan ora-mismo!” Ibinato nitong muli ang isa pang folder na naayos na niya. Kumalat na naman ang laman niyon sa sahig.
Nangingilid sa luhang yumuko siya. Pinulot niya ang mga iyon isa-isa.
“What’s happening here?” tanong ng malagim na tinig mula sa kaniyang likuran.
Mabilis siyang napatayo at nanatiling nakayuko. Ang kaniyang mga kasamahan ay isa-isang bumati sa bagong dating.
“S-Sir!” kandautal na tumayo rin si Miss Fuentes sa kaniyang kinauupuan. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay inayos pa nito ang sarili at malapad na ngumiti sa lalaking tumigil sa kaniyang harapan.
“Do I need to repeat my question?” anang lalaki na ramdam niya ang pagbaling sa kaniya.
“A-ah, may ipinaaayos lang po ako kay, Miss Martinez,” sagot ng kaniyang boss.
“Ready na ba ang presentation sa board mamaya?” tanong ng lalaki kay Miss Fuentes.
Bahagya siyang nag-angat ng ulo at sinilip ang lalaking hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya. Lucio Enrico Lagdameo was standing right in front of her, facing Miss Fuentes. Nanliit siyang lalo dahil katabi niya ito. Halos hanggang dibdib lang kasi siya ng lalaki.
Hindi niya ito madalas makita sa opisina nila. O kung makita man, sa malayuan lamang. Palagi lang itong nasa fifteenth floor kung saan naroon ang opisina nito bilang CEO. Naisip niya tuloy na may pagka-introvert ang lalaki.
Side view lang ang nakikita niya sa mukha nito, pero kahit ganoon hindi maikakaila ang kinis ng mukha nito na mas makinis pa yata sa kaniya! Matangos din ang ilong nito. At kung haharap siguro ito sa kaniya alam na kaagad niyang maganda ang korte ng mapupula nitong mga labi, bukod sa maninipis ang mga iyon. Kita niya rin ang kanang mata nito na bahagyang singkit at may malalantik na pilikmata. Kahit nakasuot ito ng salamin na kagaya niya hindi maikakatwa ang ganda ng mga mata nito, para iyong nangungusap.
Sa pagkagulat niya, muli itong humarap sa kaniya. Huling-huli siya nitong nagmamasid dito.
Kaagad niyang iniiwas ang mga mata rito saka nagsabing, “A-ah, excuse lang po. Tatapusin ko lang po ito.” Mabilis siyang tumalikod sa mga ito at tinungo ang kaniyang lamesa. Hindi tumitingin sa pinanggalingan na sinimulan niya ang trabaho. Wala pang thirty minutes ay natapos na niya iyon.
Paglingon niya sa lamesa ni Miss Fuentes, wala na roon ang kanilang boss. Hindi na niya namalayan ang pag-alis nito dahil sa pagkaabala.
Tumayo siyang muli at tinungo ang lamesa ni Miss Fuentes. Wala roon ang babae kaya ipanatong na lang niya ang folder sa ibabaw ng lamesa nito. Nag-iwan na lang siya roon ng note.
Pagbalik niya sa puwesto ay umusod sa kaniyang tabi si Whinona— isa sa itinuturing niyang kaibigan sa pinapasukan. Napatingin siya rito.
“Ang sama talaga ng ugali ni Miss Fuentes! Samantalang kitang-kita ko naman ang ginawa niya,” gigil na turan nito.
Napakunot ang kaniyang noo.
Umasim ang mukha nito. “Nakita ko siya kanina,” anitong nabasa ang nilalaman ng kaniyang isipan. “Nang nagbanyo ka, pumunta siya rito sa table mo at inilagay ang isa pang folder. Akala niya walang nakakita sa kaniya, pero kitang-kita ko. Sama talaga ng ugali! Kaya hindi siya magustuhan ni Sir Enrico, eh, kahit anong paganda at papansin niya, dahil sa nakasusuka niyang pag-uugali!” litanya nito.
Napabuntonghininga na lang siya. Ngayon, alam na niya kung bakit bigla na lang sumulpot ang folder na iyon mula sa kung saan. Talagang kapag gusto siyang ipahiya ng boss niya, gagawa at gagawa ito ng paraan. Ni hindi niya maunawaan kung bakit ba ang init-init ng dugo nito sa kaniya. Wala naman siyang ginagawang masama.
“Nariyan na ang demonyita,” pabulong na wika ni Whinona.
Napatingin siya sa lamesa ni Miss Fuentes. Kung siguro lumaki siyang basagulera kanina pa niya nasupalpal ang babae. Kaya lang, mahina ang loob niya. Mas lamang ang takot sa puso niya.
“May araw rin ang babae na iyan, Gale. Humanda siya kapag dumating ang araw na iyon,” wika pa ni Whinona sa kaniyang tabi.
“Pabayaan mo na lang siya. Wala namang mangyayari kung aalma ako sa kaniya. Baka sa halip na may trabaho ako ay mawala pa,” malungkot niyang sambit.
“Tsk! Kung puwede nga lang ireklamo iyan kay Sir Enrico, ginawa ko na. Sukdulan na ang paggamit niya sa kaniyang puwesto. Hindi na maganda.” Umiling-iling pa ito.
Bahagya siyang natawa. Iba rin nga talaga magpalakas ng loob ang kaniyang kaibigan. “At paano mo naman gagawin iyon? Ni hindi mo pa nga nakakamayan si Sir, tapos ang taas-taas na kaagad ng pangarap mo. Umayos ka nga, Whin.” Idinaan niya sa pang-aasar ang nadaramang lungkot at inis.
Umingos ito. “Huwag mo akong matawan-tawan, Gale, ah? Kapag nangyaring nakamayan ko si Sir Enrico, si Miss Fuentes talaga ang unang-una kong isusumbong sa kaniya. Kalbaryo kasi rito kapag naririto ang babaeng iyan.” Palihim pa nitong inirapan ang pinag-uusapan nila.
Napailing na lang siya at itinulak ang upuan nito palayo. “Bumalik ka na nga sa puwesto mo. Baka makita pa niya tayo, lalo lang akong malintikan,” pagtataboy niya rito.
Wala namang imik na sumunod si Whinona. Mas lalala pa kasi ang sitwasyon kapag nakita sila nitong nagkukuwentuhan.
UWIAN na, pero nasa kaniyang lamesa pa rin si Autumn. Dahil siguro sa asar sa kaniya ni Miss Fuentes, tinambakan siya nito ng trabaho. At ang siste, bukas na raw nito kailangan iyon! Kaya wala siyang nagawa kundi mag-overtime. Naisip naman niyang mas mabuti na iyon. At least hindi siya—
Ipinilig niya ang ulo. Iwinaksi sa isip ang kung ano mang tumatakbo roon. Muli niyang tiningnan ang patas ng mga folders sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Uumagahin yata siya sa opisina. Baka nga hindi na siya makauwi.
Tumayo siya at nagtungo sa pantry. Kailangan niya ng isang katerbang kape para hindi siya antukin.
Habang nagtitimpla, wala sa loob na napatingin siya sa sarili. Bigla ay nakaramdam siya ng init sa suot na fluffy, blue-collared long sleeves.
Sandali siyang lumingon sa paligid. Wala na siyang kasama roon.
Muli niyang tiningnan ang sarili, napabuntonghininga pagkatapos. Inalis niya ang apat na butones niyon sa harap. Bukod sa mainit ang suot niyang damit, isang hapit na spaghetti strap ang suot niya sa ilalim niyon, bago pa ang bra niya.
Sandali niyang itinaas ang damit sa bandang leeg niya. It made her expose her beautiful neck. Minasa-masahe niya iyon at inikot-ikot ang ulo para mawala ang kanina pa nadaramang pangangalay. Napapikit siya, nakadama ng ginawa.
Kinuha na niya ang tapos na timplahing kape. Hinayaan niya muna ang sarili sa ganoong hitsura. Wala namang makakikita sa kaniya. Ngunit sa pagharap niya, kasabay ng pag-awang ng kaniyang mga labi, ay ang pagpuno sa buong twelfth floor ng malakas na tunog na nilikha ng nabasag na tasa.
“S-Sir . . .” Hindi siya magkaintindihan kung ano ang gagawin.
Enrico Lagdameo was standing on the open door of the pantry. Seryoso itong nakamata sa kaniya habang hawak nito sa isang kamay ang itim na attaché case.
Matagal siyang natulala rito. Kung hindi pa niya naramdaman ang init na nagmumula sa kapeng kumalat sa sahig, hindi pa siya babalik sa kasalukuyan. Natalsikan kasi niyon ang ibabaw ng kaniyang paa.
Kaagad siyang yumuko at pinulot ang nagkalat na bubog sa sahig. Nanginginig ang kamay niya habang ginagawa iyon.
“Why are you still here?” tanong nito. Napadako ang tingin niya rito. Hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan nito at pinagmamasdan siya na may pangungunot nag noo.
“A-ah . . . E-eh . . . May ipinatatapos po si Miss Feuntes sa akin,” kandautal niyang sagot.
Napansin niyang naging isang linya na ang mga kilay nito. Kasunod niyon ay ang paghakbang nito papunta sa kinaroroonan niya. Pumantay ito sa kaniyang pagkakayukod. Sa pagkabigla pa niya, hinawakan nito ang kaniyang kanang kamay na may sarili yatang pag-iisip at kusang pumupulot pa rin sa mga bubog na nasa sahig.
“Stop. You’re bleeding,” anito.
Lumipad ang mga mata niya sa magkahugpong nilang mga kamay. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang dumudugong daliri. Ni hindi man lang niya iyon naramdaman kanina dahil sa pagkatulala sa kaharap.
Kaagad niya iyong binawi, ngunit mabilis nito iyong nahawakang muli. “Just sit still. Mas magdudugo ito kung makikipagmatigasan ka pa sa akin.” Tiningnan nito ang kamay niya, pagkuwa’y iginala rin ang mga mata sa paligid bago siya muling hinarap. “Where’s the first aid kit?” tanong nito.
Tila nag-loading naman ang isipan niya at hindi kaagad nakasagot. Iiling-iling na tumayo ang lalaki at binuksan ang built-in cabinet na nasa gilid ng pantry. Kinuha nito ang maliit na pulang bag na may tatak na plus sign.
“Sit here,” utos nito. Itinuro nito ang kahoy na upuan sa harap ng maliit na lamesa roon.
Walang imik siyang sumunod.
“Give me your hand.”
Parang isang aliping naging sunod-sunuran lang siya sa mga sinasabi nito.
“There . . .” anito matapos lagyan ng band aid ang kaniyang daliri. “Next time, be careful.” Ibinalik na nitong muli ang first aid kit sa cabinet bago siya muling hinarap. “Come with me. Ihahatid na kita sa inyo. Ako na rin ang magsasabi kay Miss Fuentes na sa susunod na araw mo na lang tatapusin ang ginagawa mo.”
“H-ho?!” Nanlaking muli ang mga mata niya.
“Hindi mo ba ako narinig?” Nakunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Mas lalo pa iyong dumami nang mapadako ang mga mata nito sa na-expose niyang balikat.
Napatingin siya sa sarili. Kaagad niyang pinagsalikop ang damit at nagmamadaling ibinutones iyon. Nakalimutan niya nga pa lang ayusin ang sarili sa sobrang pagkataranta.
“Let’s go.” Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya. Likod na lang nito ang naabutan niyang paliko sa may pintuan ng pantry.
Wala sa sariling nagmamadali siyang tumayo at sumunod dito. Hindi niya alam kung tama bang iwanan na lang muna ang kaniyang ginagawa. At lalong hindi niya rin alam kung tama bang sumama siya sa kaniyang amo.
SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala
“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her moth
SANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.Napatingin siya sa labas.“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniya
“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang baba


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.