-Daisy-Mukhang nanonood din sila ng live coverage. At malamang, umaasa silang sa Lawrence Group mapupunta ang proyekto, pero ibang kumpanya ang tinawag ni Mr.Torres.“Daisy!”Napabuntong-hininga ako nang malalim. Here we go again. Haharap na naman ako sa giyera.“Lumabas ka dito!” Lalong lumakas ang boses ni Mrs. Lawrence. “Harapin mo kaming traydor ka! Walanghiya kang babae ka! Pinaasa mo kami! Humiling ka pa ng kasal, hindi ka naman pala tutupad sa usapan!”Napatingin si Vanessa sa akin. “Sino ‘yun ate?”Agad siyang tumayo at naglakad patungo sa bintana, marahil ay gusto niyang silipin kung sino ang mga taong sumisigaw. Pero agad ko siyang pinigilan. “Isay, akyat ka muna sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito.”“Pero, ate…”“Okay lang. Go upstairs.”Nag-aalangan siyang tumingin sa akin bago tuluyang tumango at umakyat sa hagdan. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, huminga ako nang malalim.Alam ko naman kung anong eksaktong pakay nila kya sumugod dito, pero handa akong hara
Huling Na-update : 2026-09-29 Magbasa pa