LOGINSi Daisy ay masayang namumuhay kasama ang kanyang asawang si Vince hanggang sa matuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko nito. Isang araw, may nakita siyang post sa social media tungkol sa isang napakagandang mansyon na halos kapareho ng mansyon na ipinatayo ni Vince para sa kanya. Pareho ang disenyo, ang fountain, at maging ang kabuuang ayos ng bahay. Ngunit may isang detalyeng agad na nakakuha ng kanyang pansin. Sa kanilang mansyon, punong-puno ng daisy ang hardin dahil iyon ang paborito niyang bulaklak. Samantalang ang hardin ng kabilang mansyon ay napapalibutan ng libu-libong rosas. Rose. Iyon ang pangalan ng dating kasintahan ni Vince. Dahil sa matinding pagdududa, lihim niyang sinundan ang asawa. At doon niya natuklasan ang pinakamasakit na katotohanan. Sa mismong mansyong nakita niya sa social media, nasaksihan niyang masayang niyayakap ni Vince ang dating kasintahang si Rose, habang isang batang lalaki ang masayang tumatakbo papunta rito at tinatawag itong Daddy. Labis na nadurog ang puso ni Daisy. Mas masakit pa rito, limang taon na ang nakalipas mula noong isakripisyo niya ang kanilang anak at ang kakayahan niyang magkaanak upang mailigtas ang buhay ni Vince. Nangako noon si Vince na mamahalin siya nito habambuhay kahit hindi na niya ito mabigyan ng anak, pero nilabag nito ang pangakong iyon dahil bumuntis ito ng ibang babae. Nagpasya si Daisy na iwanan ang asawa, pero nalaman niyang hindi pala legal ang kasal nila. Upang makapagsimula ng panibagong buhay, tinanggap niya ang alok na kasal ni Mr. Torres sa anak nitong si River, isa sa mga business rival ng Lawrence Group.
View More-Blake-“Now, talk,” utos ko kay Ron habang matalim ko siyang tinititigan.Magkatabi kami ni Vanessa sa mahabang sofa. Nakasandal ako nang bahagya habang nakapatong ang isang braso ko sa sandalan nito, malapit sa likuran ng dalaga. Si Ron naman ay nakaupo sa nag-iisang armchair na nasa tapat namin.Pero kahit na magkakaharap kaming tatlo, para bang wala ako roon sa paningin niya. Kay Vanessa lamang nakatuon ang atensiyon niya, na para bang ako ang bisitang nakikisali sa pribadong pag-uusap nilang dalawa.“Gusto ko sanang makausap nang sarilinan si Isay,” sabi niya. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang mga mata kay Vanessa. “Isay, please…”Napatingin ako sa girlfriend ko. Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko habang nilalaro ng mga daliri niya ang laylayan ng suot niyang dress. Paminsan-minsan ay bahagya niyang hinihila iyon, na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung kinakab
-Blake-Agad na napalingon sa akin ang dalaga, at si Ron naman ay napayuko. So, nakilala niya ako and he's guilty dahil nagsinungaling siya sa akin!“Blake, siya si Ron…” pakilala niya, pero halatang hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. Hindi niya masabi na ito ang bayaw niya at dati niyang naging boyfriend.Bahagya akong tumango habang pinag-aaralan ang mukha ng lalaki.Sigurado na ako na siya nga ang lalaking nakita namin sa isla. At kung tama ang hinala ko, marami pa akong kailangang malaman tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Vanessa.“Hindi sasama sa'yo si Vanessa. Ipinagkatiwala na siya sa akin ng tatay niya,” mariin kong sabi.Agad kong inakbayan ang dalaga at hinila siya palapit sa akin upang tuluyan nang mabitawan ni Ron ang kamay niya.Napatingin din sa akin ang lalaki. May bahagyang pagtataka sa mukha niya, ngunit hindi nagtagal ay naging seryoso rin ang ekspresyon nito.“Brod, maraming salamat sa pagtulong mo kay Tatay Arthur at kay Isay,” sabi niy
-Blake-Pagkatapos naming kumain, agad na akong nagyayang umuwi.Binayaran ko pa rin ang lahat ng kinain namin kahit hindi naman ako masyadong nag-enjoy. Ilang beses pang sinabi ni Kristina na huwag ko na raw bayaran dahil treat na niya iyon para sa amin, pero nagpumilit pa rin ako. Ayokong magkaroon pa ng dahilan si Bryan para muling yayain si Vanessa para kumain sa restaurant ng ate niya.“Blake, huwag mo nang bayaran. Regalo ko na sa first monthsary niyo ni Vanessa.” giit ni Kristina habang inaabot sa akin ang resibo.“It's fine. It’s our date, so obligasyon kong itreat ang girlfriend ko.” maikli kong sagot.“Pero…”“Kristina, sa susunod na lang na pagpunta ko dito mo ako ilibre,” pabiro kong sabi para hindi na siya makatanggi.Paglabas namin ng restaurant, kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ng magkapatid. Parehong nakatanaw sa amin sina Kristina at Bryan na para bang ayaw pa nila kaming paalisin.Maging si Vanessa ay tila biglang natahimik habang naglalakad kami palabas ng rest
-Blake-Pagpasok ko pa lang sa loob ng restaurant ni Kristina, agad kong nakita sina Vanessa at Bryan na masayang nagkukuwentuhan habang nagtatawanan.Sandali lang. Anong meron?Kanina lang, ang sungit-sungit ni Bryan sa girlfriend ko. At hindi lang kanina ha. Mula pa noong una niya itong nakilala sa isla.Halos hindi nga nito magawang ngumiti kapag kausap si Vanessa. Pero bakit ngayon, parang matagal na silang magkakilala at sobrang komportable na sa isa’t isa?Bigla tuloy umasim ang mukha ko.Sino ba namang matutuwa kapag ang kaibigan mo ay masungit lang sa harap mo, pero kapag nakatalikod ka, biglang nagiging mabait at malambing sa girlfriend mo?Hindi ba dapat ako ang nagpapasaya kay Vanessa? Bakit parang mas masaya pa siya kapag kausap ang kaibigan ko?Napatigil ako sa may pintuan at ilang segundo silang pinagmasdan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero halatang-halata sa mukha ni Vanessa na nag-eenjoy siya sa kwentuhan nila. Panay ang ngiti nito, at kung minsan a






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore