-Blake-Agad na napalingon sa akin ang dalaga, at si Ron naman ay napayuko. So, nakilala niya ako and he's guilty dahil nagsinungaling siya sa akin!“Blake, siya si Ron…” pakilala niya, pero halatang hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. Hindi niya masabi na ito ang bayaw niya at dati niyang naging boyfriend.Bahagya akong tumango habang pinag-aaralan ang mukha ng lalaki.Sigurado na ako na siya nga ang lalaking nakita namin sa isla. At kung tama ang hinala ko, marami pa akong kailangang malaman tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Vanessa.“Hindi sasama sa'yo si Vanessa. Ipinagkatiwala na siya sa akin ng tatay niya,” mariin kong sabi.Agad kong inakbayan ang dalaga at hinila siya palapit sa akin upang tuluyan nang mabitawan ni Ron ang kamay niya.Napatingin din sa akin ang lalaki. May bahagyang pagtataka sa mukha niya, ngunit hindi nagtagal ay naging seryoso rin ang ekspresyon nito.“Brod, maraming salamat sa pagtulong mo kay Tatay Arthur at kay Isay,” sabi niy
Last Updated : 2026-11-04 Read more