-Daisy-Pagkagising ko kinabukasan, wala na si River sa tabi ko. Bahagya pa akong napakunot ng noo habang hinahanap siya sa paligid, pero wala na siyang bakas sa kwarto.At bigla kong naalala na nagpaalam nga pala siya sa akin na maaga siyang aalis dahil may aasikasuhin daw siya.Agad naman akong naligo at nagbihis, at nang makalabas ako ng bahay, agad akong napahinto nang mapansin kong nakaparada na sa harap ng bahay ang kotse kong nasira sa aksidente.Kagabi, bago kami matulog ni River, sinabi ko sa kanya na wala akong magagamit na sasakyan sa pagpasok sa trabaho dahil nasa mechanic shop pa ang kotse ko. Agad naman niyang sinabi na padadalhan niya ako ng bagong kotse, pero tumanggi ako.“Huwag na. Gusto ko iyong bigay ng daddy mo,” sabi ko sa kanya habang nakapaloob ako sa mga bisig niya.“So, ayaw mo ng bigay ko?” may pagtatampo na naman sa himig na tanong niya.Napangiti ako at bahagyang umiling. “Hindi naman sa ganon. Eh kapag nagawa na yung sasakyan ko, saan ko naman ilalagay iy
Last Updated : 2026-09-29 Read more