Chapter 11A Dangerous Proposal"Kapag may gustong sirain ang kaligayahan mo, sisimulan nilang targetin ang taong pinakamahalaga sa'yo."Mula nang makita ni Victoria sina Alexander at Mikayla sa ospital, hindi na siya mapakali.Sa loob ng kanyang opisina, paulit-ulit niyang tinitingnan ang mga larawang lihim na kinunan ng private investigator.Mga larawang magkasama sina Alexander at Mikayla.Mga ngiti.Mga yakap.At ang pinakakinaiinisan niya...Ang larawang hinahalikan ni Alexander ang tiyan ni Mikayla.Crash!Galit niyang inihagis ang baso ng alak sa pader."Hindi!""Hindi puwedeng siya ang piliin ni Alexander!"Huminga siya nang malalim bago pinindot ang intercom."Send Mr. Salazar in."Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang isang lalaki."Ma'am.""Gusto ko ng lahat ng impormasyon tungkol kay Mikayla Valdez."
Last Updated : 2026-08-04 Read more