Chapter 5A Promise Before Goodbye"Some promises are made with confidence... never knowing fate is already preparing a painful goodbye."Ilang araw na ang lumipas mula nang malaman ni Alexander ang tungkol sa pagbubuntis ko.Mula noon, halos araw-araw na siyang nagpapadala ng pagkain, vitamins, at kung anu-anong gamit para sa akin.Kung dati ay sanay akong harapin ang lahat nang mag-isa...Ngayon, may isang lalaking pilit na pinaparamdam sa akin na hindi na ako nag-iisa."Mikayla, may bisita ka."Napalingon ako nang marinig ang boses ng isa naming kasambahay.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Alexander.Simple lang ang suot niyang puting polo at itim na slacks, ngunit hindi pa rin maitago ang kanyang matikas na tindig."Good afternoon."Napangiti ako nang bahagya."Hindi ka ba busy?""I canceled my afternoon meetings."Nanlaki ang mga mata ko."Para lang puntahan ako?""Yes."Diretso ang sagot niya."Worth it naman."Ramdam kong uminit ang pisngi ko.Hindi ko alam kung bakit,
Last Updated : 2026-08-01 Read more