ELARA'S POVNakatayo ako sa gilid ng kama sa VIP ICU room ng Montrell Medical Center. Ang malamig at matapang na amoy ng antiseptic at ang patuloy, mabagal, at nakatutulala na rhythm ng tunog ng heart monitor ay siyang tanging pumuputol sa nakabibingal na tahimik ng buong silid. Sa labas ng malalaking salaming bintana, dahan-dahang gumagapang ang dilim ng madaling-araw, ngunit sa loob ng silid na ito, tila huminto ang ikot ng mundo para sa amin.Nakalipas na ang limang oras simula nang matapos ang napakahabang operasyon para alisin ang bala sa balikat ni Adrian. Limang oras ng matinding paghihintay, pagdarasal, at walang katapusang panginginig ng aking mga kamay habang nakatitig sa pulang ilaw ng operating room. Sabi ng doktor na lumabas kanina, opisyal nang ligtas siya sa panganib dahil miraculously ay hindi tumama ang bala sa anumang pangunahing arterya o mahalagang organ sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niya ng matinding pahinga, masusing pagbabantay, at tuloy-tuloy na gamot da
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-02 อ่านเพิ่มเติม