Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang umiinom ng wine. Nakasuot na ako ng bathrobe at hindi ko alam kung saan ko dapat ilagay ang atensiyon ko. Malakas ang ulan sa labas, pero kahit ganoon ay mas mabigat pa rin ang katahimikan sa loob ng silid.“Yssa…” tawag niya sa akin.Lumingon ako sa kanya at doon ko lang napagtanto na kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin nang makaramdam ako ng pagkailang.“H-ha? Bakit?” tanong ko, pilit na nagpapanggap na wala lang.“I just want to say sorry. Sa mga kasalanan ko sa’yo na hindi ko alam kung ano ba ’yon.” Bumuntong-hininga siya bago bahagyang yumuko. “Sa totoo lang, hindi na sa akin bago ang mga sinabi mo sa akin kanina. Marami na rin ang nakapagsabi sa akin noon. Kadalasan pa sa kanila ay pamilya ko.” Biglang naging malungkot ang tono ng pananalita niya.Napatingin ako sa kanya.Hindi ko inaasahan iyon. Sa pagkakakilala ko sa kanya, parang palagi siyang walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao. Para ban
Huling Na-update : 2026-08-14 Magbasa pa