ILANG MINUTO pagkaalis ng BMW ni Atty. Cruz sa driveway ng Forbes Park, umalingawngaw ang malakas at mayabang na tawa ni Drake sa buong ikalawang palapag. Nakasandal siya sa kanyang mahogany swivel chair, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang pinalalabas ang Usok ng kanyang mamahaling cigar patungo sa kisame."Fifty million dollars," bulong ni Drake sa sarili, bago nagpakawala ng panibagong maikling tawa. "Naniwala ang mga matatanda sa board na gipit tayo. Look at us now."Bumukas ang pinto ng study room at pumasok si Maris, nakangiti nang malapad habang nakahalukipkip. Sa likod nito ay si Dianne na abala sa pag-scroll sa kanyang phone."Naipasa na ba ang paunang wire transfer, Drake?" tanong ni Maris habang nauupo sa leather couch."The first tranche will hit our corporate account in BGC tomorrow morning, Mom," sagot ni Drake na may kasamang matayog na ngiti. "Aegis Global bought the pitch. Inisip nilang napakalaki ng potential ng Taguig project kaya binigay agad ang term
Last Updated : 2026-08-07 Read more