Kasandra Natividad POV Tatlong araw na ang nakalipas mula nang umuwi ako galing sa Baguio, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan ang pintuan ng puso ko para kay Nathan.Nakatayo ako sa maliit na kusina ng aming bahay, dahan-dahang hinahalo ang tsokolate sa tasa habang nakatitig sa lumang litrato ni Papa na nakasabit sa dingding. Sa litrato, nakatayo si Papa Roberto sa tapat ng isang drafting board, nakangiti habang may hawak na T-square. Ang lakas ng pagkakahawig namin ang mga mata, ang kurba ng labi, at ang parehong pangarap na lumikha ng isang bagay na mag-iiwan ng markang maganda sa mundo."Kass," mahinahang tawag ni Mommy mula sa pintuan ng kusina. "Nasa labas na naman siya."Napatigil ako sa paghalo. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng aming sala at bahagyang inangat ang kurtina.Nakatayo si Nathan sa gilid ng kalsada sa tapat ng gate namin. Nakasuot siya ng simpleng itim na shirt, gulo-gulo ang buhok, at halatang halos hindi natutulog sa nakalipas na tatlong ara
Last Updated : 2026-08-21 Read more