Kasandra Natividad POVBuong gabi akong hindi halos nakatulog dahil sa napakasimpleng notification na 'yun.Ilang beses kong binuksan ang Instagram ko kagabi para lang siguraduhing hindi nawawala ang @nathan.gadon sa listahan ng mga followers ko. Pagka-gising ko kaninang umaga, 'yun din ang unang tinitingnan ko. Mukha na nga akong tanga habang nag-aalmusal kasi hindi mawala-wala ang malapad na ngiti sa mukha ko, hanggang sa pansinin na ako ni Mommy sa hapag-kainan."Kass, anak, bakit para kang nanalo sa lotto diyan?" tanong sa akin ni Mommy habang inaaabot ang prito na itlog."Wala po, My! Ganda lang ng gising ko!" masaya kong sagot bago ko mabilis na kinain ang almusal ko at umalis ng bahay.Pagdating ko sa St. Jude University, tila mas lalong uminit ang paligid. Bawat sulok ng campus ay may nag-eensayo para sa Cheering Foundation. May mga nagtatambol sa quadrangle, may mga nag-eensayo ng cheer dance sa mga hallway, at may mga gumagawa ng malalaking props sa parking lot.Pero para sa
最後更新 : 2026-08-07 閱讀更多