MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK II CHAPTER 213RD POV Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Benjamin, matapos nilang iwan si Eliana sa daan. Hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin ni Apollo. “Hindi ko akalain na gagawin mo ‘yon,” wika niya habang malawak pa rin na ngumiti. “Kayo pa rin ang boss ko,” mas lalo pang lumawak ang pagngiti ni Benjamin, dahil sa narinig niya mula rito. “’Yan ang gusto ko sa ‘yo Apollo, ‘wag kang mag-alala, ipagtatanggol din kita.” “Hindi na kailangan Sir, kaya ko ang sarili ko.” “Hindi mo sila kilala.” “Ito lang ang tandaan mo Sir, hangga’t nandito ako, walang masamang mangyari sa ‘yo.” “Salamat Apollo, dahil hindi mo ako binigo,” sagot niya rito. “’Wag mo na tayong umuwi, ayaw ko pang umuwi sa bahay, dahil alam ko na ako na naman ang pagalitan ng mga magulang ko.”“Kung gusto niyo, sumama kana muna sa akin.” Napatingin siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sumama? Saan?” taka na tanong niya. “Sa bahay ko,” agad na
Last Updated : 2026-10-07 Read more