IT WAS A typical Saturday evening. Mas maraming tao ngayon sa club kesa sa ibang araw, at halata niyang kalahati sa mga ito ay mga lasing na. Nababahala siya dahil baka may mag-away na naman dito mamaya, but the sight of Alby washed her worries away. Ito ang bouncer nila sa club. Kaibigan din ito ng kapatid niya. "Xevia!" Narinig niyang sigaw ng Kuya Lysander niya. Napangiti lang siya sa kapatid at hinintay na makalapit ito sa kanya. May kasama itong lalaki. That must be the one her brother told her about. Sabi kasi ng kapatid niya may kaibigan ito na gustong tumulong upang makapagpatayo pa ng ibang branch ang Lumina. Siguro ito na iyon. "Darian... this is my sister, Xevia." Pagpapakilala ng kapatid sa kanya. Nakita niyang napatitig ang lalaking tinawag ng kuya niyang Darian mula sa ulo niya hanggang paa. "Nice to meet you." Mabilis nitong kinuha ang kamay niya at hinalikan. Halata namang lasing na ang lalaki sa uri pa lang ng pagsasalita nito. "Nice to meet you too." Naiilang
Last Updated : 2026-08-13 Read more