Halos mabingi si Sania sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso sa mga oras na iyon. Habol ang hininga na inilapat niya ang mga kamay sa matipuno nitong dibdibb. Sinubukan niya itong itulak palayo pero hindi man lang natinag bagkus ay lalo lang lumapit sa kanya hanggang sa magkalapat na ang kanilang katawan."Sir!" singhap niya nang maramdaman ang katigasan ng katawan nito sa kanya. H-Hindi siya makapag-isip. Para siyang aatekehin sa puso."Can I touch you, please?" Halos magsumamo ang boses nito. Ramdam rin niya ang dahan-dahan na pagdampi ng labi nito sa kanyang leeg, maingat... naninimbang.A-Anong nangyayari? Ang sobrang gwapo niyang boss ay hinalikann siya!"Sania..." tawag nito habang banayad na dumausdos ang kamay nito sa kanyang likod. Ang tela lang ng suot niya ang hinahawakan nito, nag-aantay ng kanyang permiso.At dahil likas siyang marupok, natagpuan ni Sania ang sarili na tumatango dito. "O-Okay. Pwede mo akong.. hawakan."Nahigit niya ang hininga dahil pagkasabi na pagk
Last Updated : 2026-08-17 Read more