"Ma'am, kayo po ba si Sania Hernandez?""Ako nga po," sagot ni Sania sa delivery man na napagbuksan niya ng pintuan. Naghahanda siya upang pumasok sa opisina nang may kumatok sa kanyang apartment."Delivery po, ma'am." Inabot sa kanya ng lalaki ang isang bouquet ng red roses at pinagpirma. Nang makaalis ito ay nangingiting inamoy niya ang hawak na pumpon ng mga bulaklak. Ang gaganda! Walang sinabi kung kanino galing pero natitiyak ni Sania na galing iyon kay Logan. Sino pa ba, hindi ba? Napaka-sweet talaga nito kahit kailan.Inilagay niya iyon sa vase para hindi malanta agad. Sayang naman kung hindi magtagal. Ganado tuloy siyang pumasok ng araw na iyon. Nagpang-abot pa sila ng binata sa elevator. "Good morning, my secretary," ngiti ni Logan. Pumulupot agad ang mga braso nito sa kanyang bewang at ginawaran siya ng halikk."Good morning," ngiti naman ni Sania sa pagitan ng kanilang halikann. "Thank you nga pala sa padala mong bulaklak. Nagustuhan ko."Humiwalay si Logan sa labi ng dal
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-22 อ่านเพิ่มเติม