Hindi gumalaw ang lalaking nasa harap ni Alessandra, ngunit nakita niya ang bahagyang paglunok nito. Ang kayabangan nito kanina ay tila natunaw nang marinig ang malamig at nagbabantang boses ni Patrick.“Mr. Blackwood,” pilit na ngumiti ang lalaki, bagaman halatang pilit. “We were just having a conversation with your wife.”“A conversation.” Humakbang si Patrick palapit, ang bawat yabag ay umaalingawngaw sa tahimik na warehouse. His presence alone was suffocating. “Is that what you call cornering her like an animal?”“Trabaho lang, sir. We just need the document.”“And you thought you could get it by threatening her?”Bago pa man makasagot ang lalaki, may mga aninong mabilis na pumasok mula sa likuran ni Patrick. Hindi nag-iisa ang CEO. Sa isang iglap, pinalibutan ng mahigit sampung kalalakihang naka-itim na suit ang buong warehouse. Nangunguna roon si Marcus, ang hawak nitong baril ay nakatutok nang diretso sa lalaking nagbanta kay Alessandra.“Drop your weapons. Now,” malamig na uto
Última atualização : 2026-09-24 Ler mais