LOGINNang malaman ni Alessandra Rivera na baon sa utang ang pamilya niya, isang bagay lang ang nasa isip niya, paano sila makakaligtas? Hanggang sa may isang lalaking nag-alok na bayaran ang lahat at ang kapalit? Walang iba kundi ang sarili niya. Si Patrick Blackwood ang pinakamayabang, pinakamalamig, at pinakadelikadong CEO na nakilala niya. At sa isang iglap, inalok siya nito ng isang kasal na parang business deal lang, isang taon na pagsasama kapalit ng lahat ng utang ng pamilya niya. Simple lang naman yon, magpapanggap siyang asawa nito, susunod sa rules nito, at pagkatapos ng isang taon ay malaya na siya. Pero paano kung ang lalaking pinangakuan niyang hindi mamahalin ay siya palang lalaking unti-unting kumukuha ng puso niya? At paano kung matuklasan niyang hindi naman talaga pera ang dahilan kung bakit siya pinili ni Patrick? Dahil bago pa man niya mapirmahan ang kontrata, matagal na pala siyang pagmamay-ari nito.
View MoreHindi na maalala ni Alessandra Rivera kung ilang beses niyang tiningnan ang orasan sa dingding ng maliit na café. Alas-siyete na ng gabi at niyayakap na talaga ng lamig ang kaniyang mga braso. Mabuti na lang talaga at patapos na ang shift niya pero pakiramdam niya ay parang hindi pa rin gumagalaw ang oras.
Lintek naman talaga, uwing-uwi na siya eh, tapos yong orasan yata dito sa shop ay malala pa sa pagong, ang bagal ng usad. Kung pwede pa lang na itulak na lang niya ang orasan ay kanina pa niya ginawa. Pero hindi eh, kaya ang nagagawa na lang niya ay ang pagbuntonghininga. Tatanggapin na lang niya ang mapait niyang kapalaran. Wala naman kasi talaga siyang magagawa kundi ang maghintay.
Humawak siya sa cellphone na nakapatong sa counter at muling tiningnan ang screen. Umaasa pa rin talaga siyang may tatawag pero wala pa rin, ni text nga ay wala talaga siyang natanggap.
Napabuntong-hininga siya bago muling kinuha ang isang baso at pinunasan iyon nang paulit-ulit kahit tuyo na. Nakailang punas na talaga siya mula pa kanina, hindi na nga niya mabilang kung ilang punas na ang ginawa niya.
“Alessandra.”
Napatingin siya sa kanyang manager na nakatayo sa kabilang dulo ng counter.
“Ma'am?”
“Puwede ba kitang makausap?”
May kakaibang bigat sa tono nito. At kahit nagsimula ng kumabog ang dibdib niya ay dahan-dahan siyang lumapit sa manager niya.
“May problema po ba?”
Hindi agad sumagot ang manager. Saglit nitong tiningnan ang papel na hawak nito bago ibinalik ang tingin kay Alessandra.
“I’m sorry.”
Nakunot ang noo niya at napamura pa siya sa isipan niya. Shit! Ano na naman kaayang drama ang maririnig niya ngayon. Mas lalo lang siyang kinakabahan sa pa sorry-sorry nito eh.
“Para saan po?”
Huminga nang malalim ang manager. “May bagong owner ang café.”
Tumango siya. “Opo.”
“Sadly, magbabawas sila ng staff.”
Hindi niya agad naintindihan ang ibig sabihin niyon. Hanggang sa inilapag ng manager ang isang maliit na brown envelope sa counter.
“Effective immediately.”
Napatigil si Alessandra at tumingin siya sa envelope. Shit, shit na lang talaga kung tama ang hinala niya. Pagkatapos ay tumingin siya ulit sa manager.
“Ma'am…”
“I’m really sorry.”
“Pero…” Nabasag ang boses niya. “Kailangan ko po ng trabaho.”
Alam niyang hindi iyon magandang sabihin. Alam niyang walang kinalaman ang manager sa desisyon pero wala siyang ibang masabi. Ano bang dapat sabihin sa mga oras na to? Magmakaawa ba siyang wag siyang isali sa matatanggal? Ganon ba?
“I know,” mahinang sagot nito. “Alam kong kailangan mo, actually, kailangan nating lahat ng trabao, Alle. Pero wala na talaga akong magagawa.”
Dahan-dahan niyang kinuha ang envelope. Manipis lang yon, sobrang nipis. At alam niyang hindi iyon sapat para bayan ang hospital bill ng kaniyang ina, hindi iyon sapat para mabayan ang kuryente at tubig nila. At paniguradong hindi rin iyon sapat para mabayaran ang utang ng kaniyang ama.
“Pasensya na,” muli nitong sinabi.
Tumango lang siya at ngumiti kahit pilit. Pilit na pilit na lang ang ngiti na ginawa niya kahit gusto ng mag-unahan ng mga luha niya. Tangina naman talaga, ang galing ng timing eh. Parang gusto na lang niyang maglupasay sa mga nalaman niya ngayon. Kung hindi lang talaga nakakahiya, parang gusto na lang niyang mag-tantrums.
“Okay lang po.”
Pero hindi okay. Hindi talaga okay.
~
Paglabas niya ng café, malamig ang hangin na sumalubong sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng bag niya habang naglalakad patungo sa sakayan.
Sa loob lamang ng isang araw, nawalan siya ng trabaho. At ang problema sa bahay? Hindi na niya alam kung paano niya malulutas lahat ng yon. Parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa para hindi na niya maisip ang mga problema niya eh. Or what if magpasagasa na lang siya? Ewan ba, litong-lito na ang isip niya.
Habang naghihintay siya ng masasakyang jeep, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Dad calling.
Agad niyang sinagot ang tawag nito. Kahit parang ang inuutos ng utak niya ay wag na itong sagutin. Para kasing bawat tawag sa Dad niya ay problema na lang ang pasalubong nito sa kaniya. Pero ngayon, umaasa siyang hindi tungkol sa problema ang tinawag nito sa kaniya.
“Hello, Dad?”
Saglit na katahimikan ang pumagitna sa kanila. Pagkatapos ay narinig niya ang mabigat na paghinga ng kanyang ama.
“Alessandra…”
Napakunot ang noo niya. Parang boses pa lang nito, alam na niya eh.
“Anong nangyari?”
“May pumunta dito.”
Nanlamig ang batok niya. Heto na nga ang sinasabi niya eh.
“Sino?”
“Mga collector.”
Napapikit siya. “Again?”
“Sinabi nilang hanggang Friday na lang tayo.”
Tumingin siya sa kalangitan na para bang kayang sagutin ng langit ang mga problema niya. Kung pwede lang sana eh, binulong na niya sa langit ang lahat.
Biyernes.
Ibig sabihin, tatlong araw na lang ang meron sila.
“Dad…”
“Kapag hindi tayo nakabayad, kukunin nila ang bahay.”
Napahinto siya sa paglalakad. “Hindi puwede.”
“Alam ko.”
“Dad, hindi puwedeng mawala sa atin ang bahay.”
“Alessandra, hindi ko na alam kung anong gagawin.”
Narinig niya ang panginginig sa boses ng ama. At iyon ang mas masakit. Dahil ang ama niyang buong buhay na matatag sa harap nila ay ngayon unang beses niyang narinig na parang sumusuko.
“Dad, huwag kang mag-alala.”
“Pero—”
“May gagawin ako.”
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya pero sinabi pa rin niya. Para saan? Siguro para pagaanin ang sitwasyon. Hindi na niya alam.
“Kahit ano gagawin ko.” Dagdag niya.
Pagkababa niya ng tawag, matagal siyang nakatayo roon. Hindi siya gumalaw, ni hindi siya umiyak. Iniisip lang niya kung saan siya magsisimula.
~
Pagdating niya sa bahay, mas bumigat ang pakiramdam niya nang makita ang kanyang ina na nakahiga sa sofa habang naghihintay sa kanya.
“Anak?”
Pinilit niyang ngumiti. “Hi, Ma.”
“Late ka na yata umuwi ah.”
“May konting problem sa café kanina po eh.”
Hindi niya sinabi ang totoo. Kasi hindi niya alam kung paano sasabihin at mas lalong hindin iya kayang sabihin.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ng kaniyang Mama.
“Opo, Ma. Okay lang po ako. Okay na okay po.” Masyadong mabilis ang sagot niya.
Malamang na napansin yon ng Mama niya kasi hindi naman siya magaling magsinungaling eh. Pero siguro, mas pinili na lang nitong hindi na magtanong.
~
Sa gabing iyon, habang tulog na ang kanyang mga magulang, naupo si Alessandra sa gilid ng kanyang kama at binuksan ang cellphone. Isa-isang job posting ang kanyang tiningnan. Pinatulan niya lahat ng makita niya. Receptionist, sales clerk, office assistant, housekeeper, personal assistant, at kung anu-ano pang makita niyang job offer ay inapplyan niya.
Hanggang sa may isang advertisement na nagpahinto sa kanyang daliri.
LIVE-IN PERSONAL ASSISTANT
High-end private estate Excellent salary Accommodation provided Immediate hiringNapabuka nang bahagya ang bibig niya nang makita ang offered salary. Halos triple ng dating kinikita niya.
“Seriously?”
Agad niyang pinindot ang contact number at tinawagan yon. Nakatatlong ring nga lang ay agad na may sumagot sa tawag niya.
“Hello?”
Napatuwid siya. “Hi. I’m calling about the personal assistant position.”
“Name?”
“Alessandra Rivera.”
Saglit na katahimikan ang narinig niya at parang may tinitingnan ang nasa kabilang linya.
“Can you come tonight?”
Napatingin siya sa orasan. Kahit nagtataka siya kung bakit nito natanong yon ay wala na siyang pakialam.
“Tonight?”
“Yes.”
“Pero…”
“The employer wants to meet you personally.”
Napaisip siya. Gabi na ah, bakit gusto siyang makita ng employer? Nagtataka siya pero ayaw niyang mawala ang opportunity na to.
“Where?”
Ibinigay sa kanya ang address. Isang lugar na pamilyar lamang sa kanya dahil sa mga balitang minsan niyang nababasa online.
Blackwood Estate.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Wait…”
Hindi ordinaryong employer ang naghihintay sa kanya roon. Kundi si Patrick Blackwood yon. Thirty-year-old billionaire at CEO ng Blackwood Group.
Isa sa pinakamayayamang negosyante sa bansa. At kilala rin bilang isa sa pinakamalamig na businessmen sa industry.
Hindi niya alam kung bakit kinakailangan nitong personal na makipagkita sa isang ordinaryong job applicant. Dapat siguro tumanggi siya. Pero naalala niya ang tatlong araw na deadline. Naalala niya ang hospital bills at naalala niya ang mukha ng kanyang ama.
Kaya makalipas ang isang oras, nakatayo na siya sa harap ng napakalaking black gates ng Blackwood Estate.
“Wow…”
Hindi niya napigilang mapatingala. Mula sa labas pa lang, mukhang kabilang sa ibang mundo ang lugar.
Isang guard ang lumapit sa kaniya at doon pa lang ay alam na niyan wala ng atrasan to.
“Ms. Rivera?”
“Yes.”
“Mr. Blackwood is expecting you.”
Lumunok siya. “Okay.”
Binuksan nito ang gate at dahan-dahang pumasok ang sasakyan. At habang papalapit sila sa mansion, mas bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit. Marahil dahil napakalaki ng bahay o dahil may kakaibang pakiramdam ang lugar.
Parang may naghihintay sa kanya.
Pagkababa niya ng sasakyan, agad siyang sinalubong ng isang eleganteng babaeng naka-black uniform.
“This way, ma’am.”
Tahimik siyang sumunod. Habang naglalakad sa mahabang hallway, napansin niya ang mga larawan ng Blackwood family na nakasabit sa dingding.
Lahat mukhang perfect sa paningin niya. Hanggang sa makarating sila sa isang malaking double door.
Huminto ang babae at ngumiti pa ito sa kaniya. “Mr. Blackwood is inside.”
Tumango si Alessandra. “Thank you.”
Bumukas ang p***o kaya pumasok siya. At sa unang pagkakataon, nakita niya ang lalaking magbabago sa buong buhay niya. Nakatayo si Patrick Blackwood sa likod ng malaking mahogany desk. Nakasuot ito ng perfectly fitted black suit, mataas ito, ang lapad din ng balikat at yong tipong parang lumabas sa pocket book sa sobrang pogi!
Tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa, ni hindi man lang ito ngumiti sa kaniya kahit ang lapad ng ngiti niya.
Naramdaman ni Alessandra ang pag-init ng mukha niya.
“Mr. Blackwood?”
“Yes.” Isa lang ang sagot nito at itinuro nito ang upuan. “Sit.”
Tahimik siyang umupo. Ilang segundo rin silang nagkatinginan. Pagkatapos ay kumuha si Patrick ng isang folder. Hindi job application ang laman nito, mas lalong hindi rin resume. Kundi isang document yon, isang contract.
“Read it.”
Napakunot ang noo niya. “What is this?”
“Your employment agreement.”
Binuksan niya ang unang page non at biglang tumigil ang paghinga niya nang mabasa yon.
Sa gitna ng page, malinaw na nakasulat ang title. MARRIAGE AGREEMENT. Dahan-dahan siyang napatingin kay Patrick.
“Excuse me?”
Nanatiling kalmado ang mukha ng lalaki. “I’m not hiring you as my assistant.”
“Then why am I here?”
Bahagyang sumandal si Patrick sa kanyang upuan. “Because I want you to become my wife.”
Parang biglang huminto ang mundo ni Alessandra. “What? Nababaliw ka na ba? Anong wife ang pinagsasabi mo? Gagi!”
“I'll pay every debt your family owes.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “How do you know about my family?”
Walang sagot si Patrick. Sa halip, itinulak nito ang kontrata palapit sa kanya.
“One year.”
“I'm sorry?”
“One year of marriage.” Malamig ang boses nito. “And in return, your family's debts disappear.”
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng sasakyan sa buong biyahe nila pauwi.Tahimik lamang na nakaupo si Alessandra sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng aircon, pero mas malamig ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib niya.Sa bawat segundong lumilipas, lalo lamang bumibigat ang pakiramdam niya.He knows something about my family.Iyon ang tanging linyang paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya. Nang sabihin ni Victoria kanina na hindi niya pakakasalan si Patrick kung alam niya ang katotohanan, hindi na niya alam kung ano ang mas nakakabahala.Ang katotohanang may itinatagong madilim na sikreto si Patrick o ang katotohanang tila konektado ang sikretong iyon sa mismong pagbagsak ng pamilya niya.Pagdating nila sa mansion, hindi agad bumaba ng sasakyan si Alessandra. Nanatili siyang nakaupo at mahigpit ang hawak sa maliit niyang bag.Nilingon siya ni Patrick bago nito tanggalin ang sea
Hindi pa rin mawala sa isip ni Alessandra ang babaeng nakasalubong nila kanina sa lobby.Victoria Hamilton.Ang dating fiancée ni Patrick.Kahit anong gawin niyang paglilibang, paulit-ulit na nagpa-flash sa utak niya ang matalim na paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi iyon simpleng curiosity ng isang ex. May halong galit. May pagkadismaya. At higit sa lahat, umasta ito na parang may hawak itong karapatan para kuwestiyunin kung bakit siya ang nakatayo sa tabi ni Patrick.Huminga nang malalim si Alessandra at sumandal sa malambot na leather sofa sa loob ng private office ng asawa niya.Samantala, si Patrick ay prenteng nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk nito. Abala ito sa pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento na para bang walang nangyaring tensyon kanina. Wala man lang itong bakas ng stress.“Are you seriously going to work?” basag niya sa katahimikan.Hindi man lang ito nag-angat ng tingin. “Yes.”“After what just happened downstairs?”“Yes.”Napairap siya sa hangin. “Ang l
Halos hindi nakatulog si Alessandra buong gabi.Kahit anong pilit niyang pumikit at magbilang ng tupa, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga nangyari. Ang pagbukas ng pinto. Ang pagpasok ni Patrick sa kwarto niya. Ang pamilyar na amoy ng pabango nito na humalo sa malamig na hangin ng aircon.At ang malamig nitong tanong na nagpatayo sa mga balahibo niya: You're my wife. Ano bang dapat ginagawa ng mag-asawa?At higit sa lahat, ang halik.Napahawak siya sa ibabang labi niya habang nakatitig sa madilim na kisame. Ramdam pa rin niya ang init at diin ng mga labi nito sa kanya.“Stupid,” mahinang bulong niya sa hangin.Hindi niya alam kung si Patrick ba ang tinatawag niyang stupid o ang sarili niya dahil masyado siyang nagpapaapekto. Isang halik lang iyon. Isang napakaikling halik na sigurado siyang para sa lalaki ay wala lang ibig sabihin. Isang paraan lang nito para patahimikin siya.At least, iyon ang gusto niyang paniwalaan.Pero kumunot ang noo niya nang maalala ang huling sin
Matapos ang mahabang araw, sa wakas ay nakahiga na si Alessandra sa malaking kama ng kanyang bagong silid. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya makatulog. Hindi pa rin siya sanay. Hindi sa sobrang lambot na kutson. Hindi sa lamig ng mamahaling silk sheets na dumadampi sa balat niya. At lalong hindi sa katotohanang nasa mansion siya ng isang lalaking halos hindi niya kilala.Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa mataas na kisame ng kwarto.Her husband.Madiin siyang napapikit. Hindi pa rin niya kayang masanay sa dalawang salitang iyon. Patrick Blackwood was her husband.Isang taon. Isang taon lang, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili. Pagkatapos noon, matatapos na ang lahat. Mapupunta sa kanya ang perang ipinangako ni Patrick. Mababayaran ang naiwang utang ng pamilya niya. Magiging maayos ulit ang buhay ng kanyang mga magulang.At siya? Malaya na siya.Bahagya siyang ngumiti sa sarili sa gitna ng dilim. Simple lang ang plano, kaya niya ito.Binaliktad niya ang katawan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews