“Tigilan mo ‘ko sa tingin mong iyan, Yana.” banta ni Natalia sa kanyang sekretarya. Pagbaba nya kasi sa kotse ni William nang ihatid siya nito sa labas ng building ng kompanya nya ay nakangiti na ang sekretarya sa kanya. Tapos na ang lahat ng kailangan nilang gawin para sa sales event sa susunod na linggo. Inaasahan nila na mas dadami ang user, customers at feedback sa kompanya. Iyon naman talaga lagi ang goal. At ayaw nyang may papalya. Ngayon ay nakasandal na lamang sya sa kanyang upuan habang tinitignan ang papers ng kasal nila ni William, pirmado na ang lahat at kasal na nga sila.“Sorry, Ma’am. Curious lang kasi ako, ano kasi,” “Anong ano kasi?”“Saan kayo nagpunta? Nag honeymoon kayo?”Nag angat sya ng katawan, hindi niya alam ang sasabihin. “A-anong honeymoon? Hindi kami totoong mag-asawa.”“Pero totoo ang papers, Ma’am. Sa legal na terms mag-asawa kayo, kaya pwedeng may mainlab na isa sa inyo at maging totoo.”Pinandilatan niya si Yana. “Hay naku Yana, puputi na siguro ang u
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-06 อ่านเพิ่มเติม