“Anong ginagawa nyo sa asawa ko?” galit na sigaw ni William sa lahat ng kaharap ni Natalia sa tagpong iyon. Gulat na gulat ang itsura nina Donya Teresita, Don Julio, Stella at ni Elton. Masamang masama ang ekspresyon ni William, kunot ang noo at mahigpit ang hawak sa kamay ni Natalia. Tumingala sya sa lalaki, pakiramdam niya ay nagkaroon sya ng mataas na pader na sasalo sa galit at pang aalipusta ng mga magulang sa kanya. Hinawakan nya ang damit nito sa likod, pero mabilis ding nagdalawang isip dahil hindi siya ganoon, hindi siya naka depende sa lalaki. Si Elton ang unang gumalaw sa lahat, naguguluhan ang itsura nito. “Asawa? You must be mistaken pare, get away from her.” Aabutin sana nito ang kabilang kamay ni Natalia pero nahuli iyon agad ni William at ibinalya. “Huwag mo siyang hawakan,” banta ni William dito, salita lamang iyon pero tila hayop na natakot agad ang lalaki. Pinisil niya ang kamay ni William. Hindi siya nito nilingon. “Sino ba kayo? Bakit kayo nag eeskandalo at pin
Last Updated : 2026-09-21 Read more