Napagtanto ni Damian na wala pa rin siyang damit, kaya bahagyang nagmadali, pinulot ang pantalon na nakakalat sa sahig at isinuot iyon, paminsan-minsan ay palihim na sumusulyap kay Eliana upang matiyak na hindi tulog pa rin ito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at marahang naglakad patungo sa balcony. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng malamig na hangin. Malamig at sariwa iyon, isang malaking kaibahan sa init ng loob ng kuwarto. Kumikislap sa malayo ang mga ilaw ng Batangas, na para bang isang malawak na bukirin ng mga alitaptap na nakakalat sa buong lugar. “Adeline?” tanong niya. “Hindi na ako nagulat. I know Adeline. Kaya niyang kumampi kay Stanley. Dahil gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. Nalaman mo na ba kung ano ang motibo ni Adeline para gawin ‘to?” “Hindi ko pa alam ang motibo niya, Sir, pero—” “Si Dylan?” putol ni Damian. Napabuntong-hininga nang malalim si Nicholas. “Ilang beses ko na ring nakita si Sir Dylan na nakikipagkita kay Stanley, Si
Last Updated : 2026-10-06 Read more