Bumangon si Andres at naglakad papunta sa banyo sa kwarto ni Adeline. Sobrang relaxed niyang naglakad nang walang suot na kahit ano. Kailangan niyang maligo agad dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin pagkatapos nito.Samantala, nakaupo pa rin si Adeline sa kama, isinisandal ang hubad niyang likod sa headboard habang nakatakip ang kumot sa kanyang katawan."Napakaraming gustong makitang bumagsak si Damian dahil sa galit na hindi nila naipaglaban noon. Well, ako, gusto ko ring bumagsak siya, kasi ang pagkawasak ng puso ni Damian ang magiging pagkakataon ko para makuha at mapanatili siya sa tabi ko. Kapag durog na durog na siya at napahamak ang pinakamahalagang tao sa kanya, saka ako papasok. At pag nangyari ’yon, makukuha ko na rin ang matagal ko ng pinaplano na gusto kong mangyari. Ang mapasaakin ang lalaking matagal ko nang gusto. At si Dylan? Ang ampon na 'yun ni Damian ay isang kasangkapan lang. Isang anak na itinuturing si Damian na parang sariling anak, pero gusto rin pala
Last Updated : 2026-10-13 Read more