Kinabukasan, maagang nagtungo si Sabrina sa presinto para gawin ang iniutos ni Akilo. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi kagabi. Tuloy-tuloy lang ang kaniyang paglalakad. Sumakit pa ang binti at hita niya pagkarating sa bahay. Wala rin siyang maayos na tulog dahil sa nangyari. Nagulo ang isip siya sa mga nasaksihan niya, at ngayon, may responsibilidad siyang kailangan gampanan.“Sir, narito na ba si Captain Alvarez?” tanong ni Sabrina sa desk officer.“10:00 AM ang dating niya. Hintayin mo na lang doon.” Turo nito sa isang upuan.“Sige, Sir. Salamat.”Matiyagang naghintay si Sabrina. 8:00 AM pa lang kaya dalawang oras siyang maghihintay roon.Maya-maya, napansin niya ang pagdating ng isang matangkad na lalaki. Sa tingin niya na sa early fifties na ito, pero matikas pa rin ang pangangatawan. Halatang may mataas itong posisyon dahil lahat ng nakakasalubong nitong pulis ay sumasaludo rito.“Dizon, kapag may naghahanap kay Alvarez sabihin mo nag-leave. May importante akong iniutos sa
Last Updated : 2026-08-21 Read more