LOGINMagnus Anticlair is a freaking hot model and celebrity. With his irresistible charm, confident aura, and that damn seductive smile, he has never had a problem getting whatever or whoever he wants, until he met Sabrina Kim—the female bouncer who seems completely immune to his charms. Sabrina is the exact opposite of every woman he has ever known. Suplada, matapang, intimidating, at higit sa lahat, hindi impressed sa good looks at celebrity status niya. Mas gusto pa nitong patumbahin siya kaysa pakinggan ang cheesy pickup lines niya. For the first time, he finds himself chasing someone who refuses to be chased. Sabrina may be the only girl who doesn’t want him—but she’s also becoming the only girl he can’t stop wanting. What happens when the biggest flirt meets the one woman who refuses to fall for his charms? Will Magnus finally give up his playboy side and take love seriously for the first time? Or will Sabrina finally give Magnus a chance and risk falling for the man she swore to resist?
View MoreMasayang nagtatawanan ang tatlong kalalakihan sa loob ng isang bar. Hindi nila alintana ang tingin ng mga kapwa kustomer. May palihim na kumukuha ng larawan at hayagang sinisigaw ang kanilang pangalan. Sino bang hindi mapapalingon sa kanila? Grupo lang naman sila ng mga sikat na modelo sa bansa. Ang iba sa kanila ay gumagawa na rin ng pelikula at drama katulad ni Magnus Anticlair—ang pinaka-sikat sa tatlo.
“Happy birthday, tol! Sana malasing mo kami. Huwag kang tatakas ngayong gabi para mag-take out ng babae, ha. Babantayan ka namin,” nakangising sabi ni Jude kay Magnus.
Kaarawan ngayon ni Magnus, pero wala sa bansa ang kaniyang mga magulang at kakambal na si Magnum kaya mga kaibigan niya ang kaniyang kasama ngayon.
“Salamat, tol. Pagbutihan mo ang pagbabantay sa akin. Baka mamaya, bumagsak ka na riyan sa kalasingan.”
Tumawa naman si Ken—ang isa pang kaibigan ni Magnus.
“Buttoms up para kay Magnus!” sigaw nito habang nakataas ang hawak na bote ng alak.
“Buttoms up!” sabay na sabi ni Magnus at Jude.
Nag-toast ang tatlo at inubos ang laman ng hawak na bote.
“Kaya pa ba, Jude? Isa pa lang ang iniinom mo parang babagsak ka na. Paano mo pa ako mababantayan niyan?” kantyaw ni Magnus kay Jude.
Namumungay na ang mga mata nito sa isang shot pa lamang ng alak. Ito ang pinaka-mahinang uminom sa kanilang tatlo, at pinaka-boring kainuman dahil sa bilis malasing. Swerte na kung gising pa ito sa ikatlong bote ng alak.
“K-kung hindi mo kaarawan ngayon, hindi talaga ako iinom. Nakakadala uminom ng alak. Ang sakit sa ulo kapag nalalasing,” sagot nito sa kaniya.
“Sabihin mo lang kung uuwi ka na. Tatawag ako ng driver para ihatid ka.”
“H-huwag mo akong alalahanin, Magnus. May mag-aasikaso sa akin dito. Mag-enjoy ka lang diyan. Libre namin ito ni Ken. ’Di ba, Ken?” baling na tanong nito kay Ken.
“Tama si Jude, Magnus. Dito nagtatrabaho ang kapatid ni Jude kaya hayaan mo na ang isang iyan. Mag-enjoy ka na lang ngayong gabi. Maraming chika babes dito, oh!” sang-ayon ni Ken, na itinuro pa ang mga naggagandahang babae sa paligid.
“Maraming salamat, mga tol. Palagi kayong nandyan para sa akin. Baka tayo talagang tatlo ang forever,” nakangisi niyang biro sa dalawa.
“Kilabutan ka nga, Magnus. May Kristine na ako,” alma ni Ken at tukoy sa fiancé nito.
“Hindi rin kita papatulan kung babae ako, ’noh. Hindi kita type,” segunda ni Jude.
Bahagya pa itong lumayo kay Magnus at tumabi kay Ken.
“Hindi niyo ’yan masasabi kung babae talaga kayo. Walang tumatanggi sa itsurang to. Baka matanaw niyo lang kahit hibla ng buhok ko, humabol na kayo sakin. Sa lakas ng appeal kong ito, siguradong magkakandarapa kayo mapansin ko lang,” nakangisi niyang pagyayabang sa dalawa.
“Tutal birthday mo naman kaya papayag na kami. Regalo na lang namin ang pagsang-ayon sa ’yo ngayon,” nakangisi ring sabi ni Ken.
“G*go! Kahit hindi ko kaarawan, alam kung sang-ayon ka sa kagwapuhan ko.”
“Lumakas ba ang aircon o lumakas lang ang hangin? Bigla kasi akong kinilabutan nang lumamig ang paligid,” inosenteng tanong ni Jude pero alam ni Magnus na siya ang tinutukoy nitong hangin.
“Sira-ulo ka, tol!” Dinampot ni Magnus ang takip ng bote at pabirong ibinato kay Jude.
Nagulat siya nang biglang sumulpot ang isang kamay sa harapan ni Jude at walang himpis na sinalo ang takip ng bote.
“Huwag mong dagdagan ang trabaho namin sa pagkakalat mo, sir. Sa mesa mo ilagay ang takip ng bote at huwag ihagis kung saan-saan,” seryoso nitong sabi sabay lagay ng bitbit nitong ice bucket sa mesa nila.
Matamis na ngumiti si Magnus sa magandang waitress. Ipinakita niya ang mapang-akit na ngiti rito. Walang sinuman ang nakakatanggi sa kaniya sa ngiting iyon. Siguradong makukuha niya ngayong gabi ang magandang waitress.
“Hi! Are you free tonight? Can we hang out? I’m free and available. Willing to mingle anytime... anywhere. Just be with me, and you’ll be happy.” Tinangka niyang kunin ang kamay ng waitress, pero mabilis nitong tinapik ang kamay niya.
“Get lost,” balewala nitong sagot na nagpanganga kay Magnus.
Hindi siya makapaniwala na may tumangging babae sa kaniya. Hindi lang iyon, pinagtaasan pa siya nito ng kilay at sinamaan ng tingin.
“Ito ang inumin mo, Jude,” baling ng babae kay Jude saka ibinigay ang bote ng juice. “Maraming kustomer ngayon kaya hindi kita mababantayan. Huwag kang gagawa ng gulo rito. Ayoko ng dagdag na trabaho,” paalala nito kay Jude.
“Yes, ma’am!” Sumaludo si Jude na tila isang masunuring sundalo bago umalis ang babae.
Nakasunod naman ang tingin ni Magnus sa magandang waitress. Napasipol siya nang bahagyang gumagalaw ang pang-upo nito habang naglalakad.
“Mga tol, I’ll be back.” Nakangisi niyang paalam sa mga kaibigan. Umiling lang ang mga ito dahil siguradong may ideya na ang dalawa sa gagawin niya at hindi nga sila nagkamali.
Sinundan ni Magnus ang magandang waitress. Imposibleng tanggihan siya ng kahit sino lalo na ng isang babae kagaya nito. Baka hindi lang siya nito nakitang mabuti kanina. Sandali lang kasi itong tumingin sa kaniya. Ngayo’y ipapakita niya kung sino ang binalewala nito. Titiyakin niyang maghahabol ito sa kaniya.
“Haide, kapag dumating ang triplets ipaayos mo ang studio.” Dinig ni Magnus na sambit ng magandang waitress sa babaeng nakapwesto sa loob ng bar counter.
“Sige. Sasabihin ko,” sagot ng kausap nito.
Tumikhim si Magnus para kunin ang atensyon ng magandang waitress. Tumingin sa kaniya ang babae sa bar counter, pero hindi man lang lumingon ang babaeng pakay niya.
“Oh, my God! Narito si Magnus Anticlair! Oh, God. I’m gonna die! Nakita ko na ang idol ko!” malakas na sabi ng babae. Naluluha pa itong nakatingin sa kaniya. Itsura pa lang nito, alam na niyang isa itong typical diehard fan.
“Haide, focus on your job. Huwag kung saan-saan tumitingin. Maraming kustomer ngayon. Bilisan mo ang kilos,” saway ng magandang waitress sa babaeng kinikilig.
“Si Magnus kasi ’yan. Isang sikat na modelo at blockbuster ang kauna-unahan niyang pelikula. Mas dumami ang tagahanga niya at isa na ako roon. Ang gwapo mo talaga, Magnus. Papicture naman.”
“Sure!” nakangiting sang-ayon ni Magnus.
Mabilis na ibinaba ng babae ang tinitimplang alak. Yumuko ito sa ilalim ng bar counter na waring may kinukuha at pagtayo nito, hawak na nito ang cellphone.
May pagmamadali itong kumilos para lumapit sa kaniya.
“Haide!” Napatigil ang babae sa paglapit sa kaniya nang tumaas ang boses ng magandang waitress. “Back to work!” maawtoridad nitong utos.
Nakayukong sumunod naman ang babae. Sa tingin ni Magnus, may katungkulan ang babae sa bar na iyon dahil nasasaway nito ang kasama at mukhang ginagalang din ito roon.
“Gusto lang niyang magpa-picture sa idolo niya, miss. Kung gusto mo rin, p’wede naman kitang pagbigyan kahit ilang shots pa ang gusto mo,” nakangiting offer ni Magnus sa magandang waitress.
Mas lumawak ang ngiti ni Magnus nang humarap sa kaniya ang magandang waitress.
“Sir, mawalang galang na. Maaari ka bang umalis dito at bumalik sa mesa niyo? Naaabala mo kasi ang trabaho namin,” seryoso nitong sabi sa kaniya.
Sa halip na umalis, mas lumapit si Magnus sa babae. Hindi ito umatras kaya lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Bahagya siyang yumukod dito, at tinitigan niya ang maganda nitong mukha. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya habang nakapaskil ang ngiti sa mga labi niya.
“Alam mo, miss, maganda ka. Mas lalo ka sigurong gaganda kung nakangiti ka. Ngumiti ka naman.” Walang paalam niyang hinawakan ang pisngi nito, pero mabilis nitong inalis ang kamay niya. “Alam mo, ikaw… hey! Saan ka pupunta, Ms. pretty? Huwag ka munang umalis, mamahalin mo pa ako.”
Hinawakan ni Magnus ang braso ng babae nang talikuran siya nito, pero mabilis itong umikot at pinipilit ang braso niya.
“Oh, shit! Ouch!” daing ni Magnus nang napunta ito sa likuran niya habang mahigpit nitong hawak ang braso niya.
“Huwag mo akong hahawakan!” mariin nitong sabi na may halong babala.
Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala
Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga
Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m
Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews