Marahas na huminga si Kaori at napapikit nang mariin."Paano natin siya papatayin, Daddy? Masyado siyang pinoprotektahan ni Rowan. Kainis!"Inis siyang nagdabog. Ang isipin pa lang na nasa pangangalaga ni Rowan si Vivienne, napaka-imposibleng madaplisan man lang niya ito."Calm down. I know how," kalmadong bigkas ni Julius Fabroa.Bumaling si Kaori sa ama, "How, Daddy?"Makahulugang ngumisi si Julius, "Get ready. Wear your most seductive dress, Darling," utos nito sa anak bago lumabas ng study room.Napakurap na lang si Kaori pero napangiti rin. Sigurado siyang maraming paraan na alam ang Daddy niya.Agad siyang nagtungo sa kwarto niya at hinila ang sexy red mid-thigh dress niya.Naligo siya nang maayos at nag-ayos. Kinulot niya ang buhok niya at pinahiran ng makapal na pulang lipstick ang mga labi.Suot ang six inches red heels ay maingat siyang bumaba sa hagdan.Agad napangiti ang Daddy niya, "That's my girl. Fabulous."Agad na ngumiti si Kaori at umangkla sa braso ng ama niya."Let
Huling Na-update : 2026-10-12 Magbasa pa