Napapitik sa ere si Jeric tapos ay ngumisi."Sabi ko na nga ba, may kasama ka kanina sa kwarto kaya di ka nakikinig—""Sabihin mo na agad, Jeric. Huwag kang chismoso riyan," bira niya agad kaya napatawa nang mahina si Jeric."Si Boss oh, sobrang init ng ulo," biro niya ngunit hindi nawala ang seryosong mukha ni Rowan.Napatikhim tuloy ulit si Jeric at sumeryoso din."Ang sabi ko, bestfriend ni Kaori Fabroa ang panganay na anak ng mga Natividad," seryosong balita nito.Parehong natigilan si Fox at Reed sa narinig. Si Rowan naman ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay."What did you say?" muling tanong niya dahil baka nabingi siya."Actually, ang nalaman ko lang, kaibigan ni Norman Natividad si Julius Fabroa. Tapos, bestfriend ni Kaori ang panganay na Natividad," mas malinaw na paliwanag ni Jeric.Bahagyang umawang ang mga labi ni Rowan."Technically, posibleng pinatay ni Julius ang kaibigan niya para kunin ang kumpanya? Right?" agad na konklusyon ni Reed."Exactly. So cruel. Hindi kaya
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-25 อ่านเพิ่มเติม