"Open this door or I'll break it," madiing banta ni Rowan."Ayaw! Sa next life na tayo magkita—I mean, bukas pala," imbis ay sagot nito sa kanya.Namewang na si Rowan at tinigilan ang pagkatok. Kung may apoy lang ang mga mata niya, kanina pa sana sunog ang p*nto.Nakarinig siya agad ng yabag na papalapit sa kanya.Sa gilid ng mga mata niya, kita niya ang tauhang si Gambo. Malaki ang katawan at naka-half ponytail ang blonde at hanggang balikat na buhok."Gambo, akin na ang susi ng kwarto," utos ni Rowan sa tauhan noong makalapit na ito.Napakamot agad sa ulo si Gambo."Boss, baka lalong matakot sa inyo ang asawa ninyo, sige kayo, di kayo makapaglabing-labing diyan," hindi niya mapigilang asar sa amo.Imbis na matuwa, galit na titig ang balik ni Rowan sa tauhan."J-oke lang, Boss," bawi agad nito upang pagtakpan ang kaba.Ayaw niya pang mamatay sa kamay ng Boss niya."Boss!" Humahangos namang lumapit pa ang isang tauhan. Si Barako. Clean cut ang buhok nitong itim, malaki rin ang katawan
Last Updated : 2026-08-23 Read more