THIRD PERSON’S POVSa loob ng isang pribado at tago na condo unit sa Bonifacio Global City—kung saan kasalukuyan nang naninirahan si Elysia kasama si Damon—tahimik ngunit puno ng matinding tensyon ang buong paligid.Nakatupo si Damon sa gilid ng sofa habang nakahawag sa kanyang panga. Namumula, pasa-pasa, at may tuyong dugo pa rin sa gilid ng kanyang labi. Sa tapat niya, nakatayo si Elysia habang may hawak na ice pack at cotton swab na may antiseptiko."Aray! Dahan-dahan naman, Ely!" galit na singhal ni Damon habang itinutulak ang kamay ng dalaga."Ginagandahan ko na nga ang paghawak, eh!" naiinis ngunit nag-aalalang sagot ni Ely. "Saka bakit ka ba kasi nanggagaling sa galit sa akin?! Sino ba kasi ang gumawa sa'yo niyan, Damon?! Pumasok ka lang sa opisina ng kapatid mo, lumabas ka nang mukhang bugbog-sarado!"Hindi agad nakapagsalita si Damon. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang naaalala ang matinding sakit at ang nakamamatay na tingin ni Damien sa kanya."Si Damien," pabulong at n
Última atualização : 2026-09-10 Ler mais