Fajardo. Akala niya yun pa rin ang habol ko. Noon iyon, noong nakaraang mga linggo bago ko pa man siya makasama. Staying here in Camiguin with him made me realize I don’t need to be a Fajardo to live. I don’t need to prove my worth to anyone anymore. Ang gusto ko na lang ay tumira dito, kasama siya, siya bilang asawa ko. Lumapit sina Aling Cele at Aling Susan sa akin habang nakatitig ako sa kadiliman ng kalsada sa labas. “Vivi, magpahinga ka na para fresh ka at blooming bukas,” pakiusap ni Aling Cele. “Oo nga, Vivi. Maghahating-gabi na oh,” dagdag ni Aling Susan. “Hihintayin ko pa po si Elion,” mahina kong sagot, nanginginig ang mga labi. Ipinangako niyang uuwi siya ngayong araw, pero ilang minuto na lang ay mag-uumaga na at bukas na ang kasal namin, at wala pa rin siya. Hindi ako mapalagay. Sobrang-sobra ang kaba ko, lalo na’t hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Lumapit si Kael sa akin. Nandito sila ni Gio sa bahay at dito magpapalipas ng gabi. Hanggang ngayon, nandito
Última atualização : 2026-09-16 Ler mais