Pinagtulungan nilang tatlo si Mom—sinabunutan, pinagpapalo, habang umiiyak at napapahiyaw naman ang ina ko. Mabilis namang nagsipasukan ang mga bodyguards at umawat. “Vivienne, don’t just stand there and help me!” sigaw ni Mom at nagkukumahog na lumapit sa akin. Mabilis naman akong hinila paatras ni Elion para hindi madamay. “That’s enough,” malamig at kalmado ang boses ni Mrs. Gina na umawat. Agad na tumigil ang tatlo at hinarap ang lola ni Elion. “Pasensya na, Ma'am Gina,” hinging-paumanhin ni Aling Cele. “Gusto lang naming ipaghiganti si Vivi.” Isang mainit na pakiramdam ang humaplos sa puso ko, gayunpaman, ang makita ang sitwasyon ni Mom na umiiyak at puno ng kalmot ang braso at buhaghag ang buhok, nakaramdam ako ng awa. “Vivienne, sino ba ang mga 'yan?!” galit at basag na hagulhol ni Mom. Hinarap siya ni Aling Merced, nakapamaywang. “Mga ina kami ni Vivi. Bakit?” “Ina?” Suminghal siya at tumayo. “Ang kapal ng mukha niyong angkinin ang anak ko! Bakit? Kayo ba ang n
Última atualização : 2026-10-10 Ler mais