Pagkatapos makipag-usap sa pinsan ni Luis tungkol sa annulment, akala ni Angela ay makakauwi na siya nang tahimik.Pero bago pa siya makaalis sa law office, tumawag si Simon at pinapunta siya sa Santillan mansion.Pagdating niya roon, naroon din si Caleb.Hindi nagtagal, nauwi sa pagtatalo ang usapan nila ng ama. Muling ipinaalala ni Simon na may pinagdaraanan ang kumpanya at kailangan nila ang tulong ng Fuentebella Group. Gusto nitong gamitin ni Angela ang pagiging asawa ni Caleb para kumbinsihin ang lalaki na maglabas ulit ng investment.Pero sa pagkakataong iyon, tumanggi si Angela.Ayaw na niyang gamitin ang kasal nila para sa negosyo ng mga Santillan.Sa init ng ulo, nasampal siya ni Simon.Hindi iyon malakas, pero sapat para mamula at bahagyang mamaga ang kaliwang pisngi niya.Nang makalapit si Caleb at tila susuriin ang mukha niya, agad na umiwas si Angela.Napansin nito ang reaksiyon niya.Dati, kapag may masamang nangyari sa kanya, kay Caleb agad siya lumalapit. Kahit simplen
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-03 Mehr lesen