Hindi nagbago ang ekspresyon ni Caleb.“I believe what I saw.”Napatawa si Angela sa sobrang inis.So iyon pala ang tingin nito sa kanya.Sa isip ni Caleb, siya ang klase ng babaeng kayang manakot at mang-api ng ibang tao dahil lang gusto niya.Kaya pala kahit anong gawin niya sa loob ng dalawang taon, hindi nito kailanman sineseryoso ang nararamdaman niya. Kahit ilang beses siyang magpaliwanag, maglambing, o gumawa ng paraan para mapansin nito, palagi siyang tinitingnan na parang isa lamang siyang spoiled rich girl na mahilig gumawa ng eksena.At ngayon, isang salita lang mula kay Madison, sapat na para paniwalaan nito ang pinakamasamang bagay tungkol sa kanya.Napailing si Angela.“Okay,” malamig niyang sabi. “Kung ’yan ang gusto mong paniwalaan.”Tahimik lang si Luis na nakatayo sa tabi nila kanina, pero sa pagkakataong iyon ay hindi na rin ito nakatiis.Napatawa ito nang mahina at tamad na isinuksok ang isang kamay sa bulsa.“Caleb, sayang ang pera mo. Baka gusto mong magpa-check
Last Updated : 2026-09-02 Read more