Tatlong araw nang hindi lumalabas ng kwarto ni Jenny si Sarah. Hindi siya kumakain. Hindi siya naliligo. Hawak lang niya ang lumang picture nilang dalawa ni Marco nung kasal nila.Sa picture na yun, ngiting-ngiti si Marco. Ngiting inosente. Ngiting totoo. Ngiting hindi na niya makikita ulit."Sarah, kumain ka na," sabi ni Jenny habang nag-aabot ng kanin at tuyo."Jenny, paano kung... paano kung puntahan ko siya? Humingi ako ng tawad?"Umiling si Jenny."Sarah, bilyonaryo na yun. Hindi ka na niya papansinin. At kung ako sa kanya, hindi na rin kita papatawarin. Ang sakit ng ginawa mo sa kanya eh."Pero buo na ang desisyon ni Sarah. Kahit isang beses lang, gusto niyang makita si Marco at humingi ng tawad. Hindi para bumalik, kundi para mapagaan ang guilt sa dibdib niya.Kinaumagahan, maaga siyang pumunta sa Dela Fuente Tower. Naka-t-shirt, naka-maong, at naka-tsinelas lang siya. Walang makeup. Mukha siyang kawawa.Pero pagdating niya sa lobby, hinarang siya ng guard."Ma'am, saan po kayo
Last Updated : 2026-09-03 Read more